SELaplana >> Church, Religion >>

Roman Catholic Church, the true Church?

The New Catholic Encyclopedia, Second Edition (15 Vol. Set)Question: Is it not recorded in different History books and Encyclopedia that the Roman Catholic Church is the true Church founded by Christ?

Answer:

It might be true that what was recorded on books or encyclopedia other than the Bible is that the Roman Catholic Church is the true church founded by Christ. But we must not forget that the Bible is the word of God and can be trusted than books written by different authors who are not inspired by God.

There will be no problem if what was recorded on the Bible and other books about the church founded by Christ is the same. But if the Bible and other books, both have different declaration about the church, then we should choose one, and I will choose to believe the Holy Bible:

It was clear in Matthew 16:18 that the church founded by Christ is not the Church of Roman (Roman Church). Christ said, “I will build My Church”. He didn’t say, “I will build the Roman Church.

It is also clear that the Church founded by Christ is not the Catholic Church nor the Roman Catholic Church, because he didn’t say “I will build the Catholic Church” or “I will build the Roman Catholic Church” but he said, “I will build My Church”.

18 And I also say to you that you are Peter, and on this rock I will build My church, and the gates of Hades shall not prevail against it. (Matthew 16:18, NKJV)

And we should not forget that the members of the Church founded by Christ were not called “Catholics” but “Churches of Christ”.

5 Likewise greet the church that is in their house.

Greet my beloved Epaenetus, who is the firstfruits of Achaia[a] to Christ. 6 Greet Mary, who labored much for us. 7 Greet Andronicus and Junia, my countrymen and my fellow prisoners, who are of note among the apostles, who also were in Christ before me.
8 Greet Amplias, my beloved in the Lord. 9 Greet Urbanus, our fellow worker in Christ, and Stachys, my beloved. 10 Greet Apelles, approved in Christ. Greet those who are of the household of Aristobulus. 11 Greet Herodion, my countryman. Greet those who are of the household of Narcissus who are in the Lord.

12 Greet Tryphena and Tryphosa, who have labored in the Lord. Greet the beloved Persis, who labored much in the Lord. 13 Greet Rufus, chosen in the Lord, and his mother and mine. 14 Greet Asyncritus, Phlegon, Hermas, Patrobas, Hermes, and the brethren who are with them. 15 Greet Philologus and Julia, Nereus and his sister, and Olympas, and all the saints who are with them.

16 Greet one another with a holy kiss. The churches of Christ greet you. (Romans 16:5-16, NKJV)

Therefore, the true church founded by Christ is not the Roman Catholic Church but the Church of Christ.

- More Articles Related to Church

Tweet This
Bookmark and Share
Tweet This!

Comments

22 Responses to “Roman Catholic Church, the true Church?”

  1. Kapatas says:

    Di porke ang nakarehistrong pangalan ng samahan nyo sa SEC eh Iglesia ni Cristo at may mababasa sa bibliya na mga iglesia ni Cristo eh IISA NA YUN. Di porke magkapareho ng pangalan eh IISA NA. Kaya nga may namesake eh. At para sa kaalaman mo, di lang kayo ang may pangalang Iglesia ni Cristo. Ke dami nyo dito sa Pilipinas na may ganyang pangalan at gumagamit ng ganyang taktika.

    Kung ang opisyal na pangalan ng Iglesiang itinatag ni Cristo eh “Iglesia ni Cristo,” aba eh sino sa mga naglipanang pangkatin ng pananampalataya ang pinatutungkulan ng Mt 16:18? Eh ayon mismo sa talata, IISA LANG ANG ITINAYO NI CRISTO. At nangyari ang pagtatayo, almost 2000 years ago. Eh yung samahan nyo, kailan lang ba lumitaw yan? 1914. At sa Punta, Sta. Ana pa of all places. At hindi si Cristo ang nagtayo kundi si Manalo. Dito palang, bagsak na yung argumento mo.

    • SELaplana says:

      Kung pagbabasehan ay ang pangalan, mukhang tumatama sa katotohanang nakasulat sa Biblia ang pangalan ng iglesia na kinaaniban ko ikumpara sa iglesia na kinaaniban niyo po ay hanggang pag-aangkin lamang dahil hindi kailanman tumama sa katotohanang nakasulat sa biblia.

      Kung doktrina naman pag-uusapan, kung susuriin ay tumatama din and doktrina ng iglesiang kinaaniban ko sa katotohanang nakasulat sa Biblia kesa sa iglesiang kinaaniban niyo na tumatama din kaso hindi sa katotohanang nasa Biblia kundi sa katotohanang taglay ng mga pagano.

      Proud po akong magpapakilala na isang kristiano dahil kay Cristo naman talaga ang doktrina sinusunod ng iglesiang kinaaniban ko kaysa sa mga taong nagpakilalang kristiano e pagano naman ang sinusunod na doktrina.

  2. Kapatas says:

    Teka, di porke kapangalan ng samahan nyo yung nakasulat sa bibliya na mga iglesia ni Cristo (cf. Rm 16:16) eh kayo yung pinatutungkulan nun. Dapat nating pakatandaan na sa instansyang ito ay naka-address ang sulat ni San Pablo sa mga taga ROMA, hindi sa mga taga Punta, Sta. Ana. Mga Roman Christians ang pinapatungkulan ni San Pablo dito na ayon sa kanya eh “ang pananampalataya ay BANTOG SA BUONG SANLIBUTAN.” (Rm 1:8) Ibig sabihin, yung Faith nung mga Roman Christian na pinatutungkulan ni San Pablo ng kanyang sulat ay “CATHOLIC o UNIVERSAL.” Bantog sa sanlibutan ang pananampalataya nila eh.

    Paanong kayo ang pinatutungkulan ng “mga iglesia ni Cristo” (cf. Rm 16:16) eh ngayon palang kayo nagpapalaganap ng bersyon nyo ng ebanghelyo sa sanlibutan through your OFWs?

    Kahit sino naman kasi pwedeng gawin yang ginagawa nyo eh. Halimbawa, hahanap yung pastor ng isang phrase sa bible, tapos ipaparehistro sa SEC. Then pwede na palang magclaim na sila yung pinatutungkulan nun. “Kami ito, kami ito..” How pathetic.

    • SELaplana says:

      Totoo ngang ang tinawag ni Pablo na iglesia ni Cristo ay yung mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na nasa Roma. Pero tandaan mo, kaanib yun ng iglesia ni Cristo na nasa Roma hindi ng Iglesia Katolika Romana. Kailan man ay hindi naging apostol si Pablo ng Iglesia Katolika Romana. Si Pablo ay isang Apostol ni Cristo sa kaniyang Iglesia at siya ay na destino sa mga iglesia ng mga hentil na kasama na nga yung mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na nasa Roma.

      Hindi rin basehan na porke Iglesia Katolika Romana ang nagisnan nating religion ay ito na ang iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo dahil may pagkakakilanlan ang tunay na Iglesia ni Cristo at ito ay ang doktrina. Kailan kaya nagturo si Cristo sa kaniyang iglesia ng doktrinang pagano na ngayon ay sinusunod ng mga Katoliko?

  3. Kapatas says:

    Pero anong sabi ni San Pablo sa pananampalataya ng mga Romanong Kristyano? Ang pananampalataya nila ay “bantog sa sanlibutan.” (cf. Rm 1:8) Ibig sabihin CATHOLIC o UNIVERSAL. Di kalabisang sabihin na yung pananampalataya nung mga Roman Christians na kung saan addressed yung sulat eh ROMAN CATHOLIC FAITH. Roman, dahil sila ay mga Romano. Catholic, sapagkay ang pananampalataya nila ay bantog sa sanlibutan.

    Malayong kayo ang pinatutungkulan nung “mga iglesia ni Cristo” (cf. Rm 16:16) sapagkat ang iglesiang yun ay natatag almost 2000 years ago. Eh ngayon lang 1914 lumitaw yung samahan nyong yan eh paano nyo sasabihing kayo yun? At kung re-rebyuhin natin yung application ni Manalo sa SEC, lumilitaw na si Manalo lang ang nagtatag ng samahan nyong yan at hindi si Cristo.

    Patungkol sa sinasabi mong doktrinang pagano na sinusunod daw ng mga katoliko, wala kang binigay na pruweba. Di porke sinabi mo eh ganun na nga. Nasan yung pagpapatunay? Napakadali lang kasi magclaim eh.

    • SELaplana says:

      Gaya ng sinabi ko na, si Apostol Pablo ay meyembro at Apostol ng Iglesia ni Cristo at hindi ng Iglesia Catholica Romana. Lahat ng sinulat niya tungkol sa relihiyon ay ukol sa iglesia ni Cristo hindi sa Iglesia Catholica Romana.

      Nang sabihin ni Pablo na “ang inyong pananampalataya ay bantog sa sanlibutan” ay hindi ibig sabihin na ang kausap ni Pablo ay ang mga Katoliko o meyembro ng iglesia Katolika Romana, dahil kailan man ay hindi sumulat si Pablo para sa mga meyebro ng iglesia Katolika Romana.

      Para sa inyong kaalaman, ang iglesia ni Cristo ay itinatag ni Cristo noong unang siglo. Ang tinutukoy mong 1914 ay ang taon ng paglitaw nito sa Pilipinas.

      Kung susuriin niyo po ang iyong mga ginagawa sa loob ng iglesia Katolika Romana ay makikita mo kung anuano ang mga doktrinang pagano na kasalukuyan mong sinusunod. Kung pruweba ang hinahanap niyo po, e bakit di mo suriin ang doktrina ng Katoliko at ihambing ito sa doktrina ni Cristo na nakasulat sa Biblia.

  4. aranince says:

    Ang relihiyon ay di dapat pagdebatehan. Meron akong mga kakilala na taga ibang relihyon at nagkakarespetuhan naman kami. Wala kahit ni isasa kanila ang nagsasabi na sila ang tamang simbahan. Isa po akong katoliko at namulat ako na rumespeto sa ibang relihyon. Yun ang tama di po ba? At hindi ung ipaglandakan na ang kanilang reliyon ang tama or ang reliyon ng iba ay mali. napapanood ko nga sa isang channel ng tv kung pano magtirahan ung 2 reliyon(sekta).
    Walang mabuting maidudulot ang pagdedebate kung sino ang totoong simbahan, lahat tayo tama, kung hindi man lahat tayo mali.
    Its a matter of Faith in God whatever Church/Religion/Sect you belong.

    • SELaplana says:

      In other words, hindi mo po alam na si Cristo at ang mga Apostol ay nakipagdebate noon sa mga Judio. And relihiyon ng mga Judio noon ay Judaism samantalang si Cristo ay nagtayo ng kaniyang sariling relihiyon. At kung titingnan mo ang mga pangyayari noon sa panahon ni Cristo, si Cristo ay laging nakatagpo ng mga debate na related sa religion.

      Kung walang maganding idudulot ang debate, e bakit nakikipagdebate noon si Cristo at ang mga apostol?

  5. Kapatas says:

    Si San Pablo ay miyembro ng iglesiang itanatag ni Cristo pero hindi sya member ng samahan nyo na naipinarehistro ni Manalo sa SEC as corporation unipersonal nun 1914. Hindi impressive ang NAMEGAME tactic nyo. Kahit kasi sino pwedeng gawin yang ginagawa nyo. Halimbawa, kukuha ng isang verse sa bible tapos ipaparehistro sa SEC, then gagawa na ng katakut-takot na claim, “kami ito, kami ito…”

    At tsaka gaano ka kasigurado na hindi sumulat si San Pablo sa mga katoliko? Eh sya na rin ang may sabi na yung FAITH nung mga Roman Christians ay “BANTOG SA SANLIBUTAN.” (cf. Rm 1:8) Eh di maliwanag na ROMAN CATHOLIC FAITH ang sinasabi ni San Pablo. Malabong kayo yun dahil 1914 lang lumitaw ang samahan nyo eh. Ano ba ang sabi ng bible sa mga lilitaw na mga bulaang mangangaral sa huling araw?

    Mt 24:24 (NIV)

    For false Christs and false prophets will appear and perform great signs and miracles to deceive even the elect—if that were possible.

  6. aranince says:

    Una po sa lahat di ko sinabi na walang mabuting maidudulot ang pakikipagdebate in general. Ang sinabi ko po ay “Walang mabuting maidudulot ang pagdedebate kung sino ang totoong simbahan, lahat tayo tama, kung hindi man lahat tayo mali”.

    to explain my point further:

    “May dalawang magkaibigan na taga Cebu papunta sila ng Maynila ung isa nag-eroplano yung isa naman sumakay ng barko. After some time nagkita sila sa Maynila.”
    Sa tingin nyo po sasabihin ng sumakay sa eroplano na mali ung sumakay sa barko? E parehas lang silang nakarating sa pupuntahan nila? Mas maganda siguro magkuentuhan na lang sila about thier experience nung sumakay sila sa eroplano or barko diba? Kesa ipinilit nila sa isat isa na mas maganda ung sinakyan nung isa.

    Ganun din po sa relihyon, its better to tell them about your belief so that they will know how to deal and respect you than saying yours is right and theirs is wrong.

    • SELaplana says:

      Sasang-ayon po sana ako sa points mo kaso, hindi po sang-ayon ang points mo to the truth taught by Christ.

      Ganito po:

      Kung susuriin mo sa Biblia, iisa lamang po ang dapat nating papasukan upang tayo ay maligtas, hindi po gaya ng sinabi mo na maaring dalawang sasakyan ang pwede nating sakyan. Ang iisang dapat nating pasukan ay si Cristo.

      Pero tanong: pano tayo makapasok kay Cristo? Nakasulat sa Biblia, na kapag ang tao ay papasok kay Cristo ay magiging bahagi siya ng katawan ni Cristo.

      Tanong: Ano ba ang katawan ni Cristo na doon tayo maging bahagi kung papasok tayo kay Cristo? Ito ay ang iglesia.

      Subalit marami ang iglesia ngayon, alin ba dito ang tamang iglesia? Maari bang lahat ng iglesiang narito ay tama? Iisa lamang ang tunay na iglesia dahil iisa lamang si Cristo. Hindi maaring lahat ng mga iglesia ay tunay sapagkat bawat iglesia ay masariling doktrina na kakaiba sa ibang iglesia.

      So, paano natin malalaman ang tunay na iglesia? Ang tunay na iglesia dahil ito ay katawan ni Cristo ay nagtataglay o sumusunod sa mga aral ni Cristo na siyang ulo nito.

      Ibig sabihin kung doktrinang pagano ang sinusunod ng iglesia na kinaaniban mo, so hindi yan iglesia ni Cristo kundi iglesiang pagano. Kung ang doktrinang sinusunod ng iglesia na kinaaniban mo ay doktrina ng paganong Romano, ay hindi ako nagtataka na iglesia mo ay Iglesia Katolika Romana.

      Kaya hindi maiiwasan ang debate. Sa debate nalalaman at nakikita kung sino ang tunay na iglesia.

  7. Kapatas says:

    Ano kamo? Ang pananampalataya ng samahan nyo ay bantog sa sanlibutan? Eh ngayon lang kayo nagpapalaganap ng bersyon nyo ng ebanghelyo eh. Ngayon lang. Eh yung utos ni Cristo sa mga apostol na ipangaral ang mabuting balita ay nangyari 2000 years ago pa. Napalayo naman ng first century sa 1914.

    At isa pang dapat nating pakatandaan, si San Pablo ay nagplanong pumunta ng Espanya on his way to Rome. Kung kaya nga yung Spain ay isang Katolikong bansa.

    Rm 15:24 (NIV)

    I plan to do so when I go to Spain. I hope to visit you while passing through and to have you assist me on my journey there, after I have enjoyed your company for a while.

    At base sa kasaysayan, ang pananampalataya ay dinala ng mga kastila mula Espanya patungong Pilipinas. Hindi yung mula Pilipinas eh dun palang ipapalaganap ang mabuting balita gaya ng ginagawa ng mga OFWs na kaanib sa samahan nyo. Mali yun. Kaya ang faith ng mga Roman Christians at ni San Pablo ay katoliko, ibig sabihin malaganap o unibersal.

    • SELaplana says:

      Tanong: Panong naging bantog ang pananampalataya ng iglesia ni Cristo sa sanlibutan sa panahon natin ngayon?
      Sagot:Sa panahon ngayon, ang pananampalataya ng iglesia ni Cristo ay nakasulat sa mga banal na kasulatan. Kaya bantug dahil ginagamit ng lahat ang banal na kasulatan at naging basehan pa sa mga batas ng gobyerno. Inaangkin pa nga ito ng mga Katoliko kesyo sila daw ang may-ari ng mga banal na kasulatan na kanilang nakolekta.

      Tanong: pano naging bantog ang pananampalataya ng mga iglesia ni Cristo noong unang siglo?
      Sagot: ito’y dahil ang pananampalataya ng mga iglesia ni Cristo ay kakaiba sa pananampalataya ng mga pagano. Naging kontrobersiyal ang pananampalataya ng mga iglesia ni Cristo sa panahon noon lalo na sa mga lugar ng mga pagano.

      Tanong: Alam nating si Apostol Pablo ay isang iglesia ni Cristo subalit, nang isulat niya ang kaniyang sulat sa mga iglesia ni Cristo sa Roma, laganap na ba ang iglesia ni Cristo sa buong mundo?
      Sagot: Hindi. Ang laganap NOON sa buong mundo ay hindi ang pananampalatayang Cristiano o ng mga iglesia ni Cristo kundi ang pananampalataya ng mga pagano.

      Kaya hindi basehan dahil lumaganap sa buong mundo ang iglesia Katolika Romana ay ito na ang tunay na iglesia kahit taglay nito ang mga doktrinang pagano.

      Maaring si Pablo na santo ng Katoliko ay isa ngang katoliko subalit ang tunay na Pablo na siyang apostol ni Cristo ay hindi Katoliko kundi isang iglesia ni Cristo.

  8. Arlene says:

    The true church of God is the church that keep and observe THE TEN COMMANDMENTS. And i think God did not name any particular church nor religion – but as long as you keep and follow His commandments, and accept Him as your personal Saviour then you will live with Him forever.

    • SELaplana says:

      the church of Christ is the church built by Christ and headed by Christ.

      Catholic Church is not the true church because it is the church of Rome and is headed by the Pope.

  9. blackpropagandist09 says:

    e2 po ang sabi nio selapana “Maaring si Pablo na santo ng Katoliko ay isa ngang katoliko subalit ang tunay na Pablo na siyang apostol ni Cristo ay hindi Katoliko kundi isang iglesia ni Cristo.”ang tanong yung Iglesia ni cristo ba na iyon ay kay manalo? at kung sasabihin nio po na nagkaroon ng apostasy pero kung may mabasa po ako na hindi pa magkakaroon ng apostasy mali po kau?
    at yung sa Jn. 10:16 po hindi po c manalo yun. c cristo po iyon ayon sa jn. 10:11 “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa. ”
    at yung sa engilsh po ang nakalagay po doon ay churches of christ hindi church of christ Rm 16:16 “Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ send greetings.” hindi po kau yan. yan po ay ang mga Iglesia na noong unang panahon. at kung sasabihin nio po na sapangalan lang malalaman ang totoong Iglesia nagkakamali po kau. at isa pa po mayroong nakalagay na word na katoliko sa bible yun nga lang sa greek bible lang.

    • SELaplana says:

      Tanong: ang iglesia ni cristo ba iyon ay kay manalo?
      Sagot: Kapag sinabing Iglesia ni Cristo, malinaw po kung sino ang may ari ng iglesia. Ito ay si Cristo at hindi ang mga Romano, lalong hindi ang Papa. Ang iglesiang pagmamay-ari ng Papa ay tinawag na Iglesia Katolika Romana.

      Tanong: bakit churches of Christ ang nakasulat sa Roman 16:16?
      Sagot: Dahil hindi po katoliko ang members ng iglesia ni Cristo. Kung katoliko pa yun di sana ang nakasulat ay “All the Catholics send greetings”.

  10. Kapatas says:

    Kaso yung Iglesia ni Kristo nyo, pinarehistro lang sa SEC nung 1914. At hindi kayo ang nag-iisang samahan ng pananampalataya na may pangalang iglesia ni Cristo. Marami kayong nag aangkin ng pangalang yan. Kaya walang merito ang name game mo. Kahit sino kasi pwedeng magclaim na sila yung iglesiang itinatag ni Cristo eh. Hahanap lang ng phrase sa bible, tapos ipaparehistro sa SEC, presto, sila na daw yung tinutukoy ng bible.

  11. Monte Carmelo says:

    Mga tanong:
    1. Paano mo nasabing “iglesia ni Cristo” nga ang pangalan ng iglesiang itinatag ni Cristo samantalang hindi naman ibinigay ni Cristo ang pangalan. Sa ibang parte ng Biblia ay “iglesia ng Dios” at “iglesia ng Dios kay Cristo Hesus” ang itinatawag sa iglesia. Sa Gawa 20:28 ay iglesia ng Dios ang tinubos ng dugo. Wag mo gamitin ang Lamsa version kasi mali ang translation na iyon at hindi tanggap ng mga serious biblical scholars. Puro common names lang naman ang ibinigay ng Biblia, bakit ginagawa ninyong proper name na.

    2. Bakit tinanggap ni Manalo ang pagpapatong ng kamay at bendisyon apostoliko mula sa pastor Protestante noong 1918 sa Cine Gloria? Ano ba ito ordinasyon or recognition? Ano ba ang turo ng Bibilia tungkol sa pagpapatong ng kamay? Kung Biblia ang pagbabasehan, sino ang nagbigay ng kahalalan ka Felix Manalo kung ang pagpapatong kamay ay tinanggap niya sa protestante na ayon sa turo ng Pasugo na dapat itakwil ang mga protestante sapagkat sila ay mga sugo ni Satanas.

  12. Rian , TOP says:

    Christ did not say, “I will build Catholic Church” .. MOREOVER, CHRIST DID NOT ALSO SAY, “I will NOT build Catholic Church”

Leave a Reply

Search Lyrics by Artists: 0-9 - A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z

Marketing / SEO Top Blogs TopOfBlogs Internet Blogs - BlogCatalog Blog Directory tracker Technology & Computers - Top Blogs Philippines Top Marketing SEO blogs Marketing & SEO Blogs