Make Money With Your Life’s Story

Automatically receive updates via email...
Enter your email address:
Delivered by FeedBurner

Bloggers are not just earning money from what they write on their blogs. They can also earn money from prints.

Just look at me. I am dumb as they call me, because the way I write articles on my blogs are in idiot way. But did you know that I was earning money from the stories I wrote in print? To let you know, I was once (2004) a contributor to the Diwaliwan Magazine (owned by Manila Times).  And the first story published on that magazine is my own life’s story, “Itago Mo Ako Sa Iyong Puso“. Well, it’s all thanks to Ms. Maria, the editor of the magazine at that time.

Here’s the Itago Mo Ako Sa Iyong Puso story.

Naaalala mo pa ba?

Noong Hunyo 1998 ay pumunta ako sa Cebu upang magreview para sa aming licensure examination. Isama sana kita do’n upang huwag kang mahiwalay sa akin, subali’t kailangan mong maiwan sa Samar, dahil nagturo ka don sa isang elementaryang paaralan.

Linggo-linggo ay nagpadala ako ng sulat para sa iyo. Wala tayong naging problema sa simula, hanggang sa panahon na iniwan ko ang aking dating relihiyon, at umanib sa isang relihiyon na sa paniniwala ko ay tama.

Ang pagsasama natin na walang kasal o ang pakikipagtipan sa hindi kapananampalataya ay pawang labag sa doktrina ng relihiyong ito. Kaya, inakay kita na sundan ako at umanib na rin dito.

Nagalit ka sa akin nang malaman mo ito. Nais mong iiwan ko ang relihiyong ito at bumalik na sa dati kong kinaroonan. Subali’t hindi ko kayang gawin ang nais mo, sapagkat sumampalataya na ako, na ito na ang relihiyong maghatid sa akin upang ako’y maging ganap na karapatdapat sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesucristo, sa araw ng paghuhukom.

Pinauwi mo ako. Opo. Nais ko nang umuwi upang makasama ka. Maraming gabi na akong nagtiis sa pangulila sa iyo. Nais kong madamang muli ang init ng iyong mga yakap at tamis ng iyong mga halik. Nais kong matikmang muli ang hain ng pag-ibig sa piling mo. Subali’t nagmamatigas ako. Hindi ako umuwi dahil natakot ako na baka ang pag-ibig na ito ang maging hadlang sa aking hangarin na maging tunay na kaanib sa relihiyong ito.

Mahal kita. Alam ng Diyos na mahal kita. Pero di ko rin maipagkaila na mahal ko ang Diyos higit sa lahat. At sinampalatayanan ko na, na ang pag-ibig ko sa Kanya ay maipakita ko lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang kalooban at mga kautusan.

Septyembre 1998. Tumawag ka sa akin. Umiyak ka. Nakiusap ka sa akin na umuwi na.

“…Dito sa relihiyong ito ako maghihintay sa’yo.” Sagot ko. “Ipakita mo sa akin na mahal mo ako sa pamamagitan ng pag-anib sa relihiyong ito. Please!”

Hindi ka kumibo sa kabilang linya. Wala akong ibang narinig kundi ang mga hikbi mo. “… Mahal kita Ma. Alam mo yan.” Sabi ko.

“(Hikbi) …Kung mahal mo ako, bakit ayaw mong umuwi dito? Bakit ayaw mo nang magpakita sa akin?” Humagulhol ka na. “Kung mahal mo ako, bakit ayaw mo na akong pakinggan? Dahil ba may iba ka nang babae?”

“…Hindi sa ganon Ma…” Magpaliwanag sana ako, pero di mo ako pinakinggan.

“… Yan ba ang tunay na dahilan kung kaya umanib ka sa relihiyong iyan? …”

Marami ka pang sinasabi pero …

“Ma…” Ayaw mo pa rin akong pakinggan.

Alam kong alam mo, na ikaw lamang ang aking minahal. At lalong hindi babae ang dahilan kung bakit ako umanib dito. Kilala mo ako, noon pa. Umanib ako dito dahil sa katotohanang aking natanto ukol sa aking dating relihiyon, at sa katotohanan ukol sa ating kaligtasan. Hindi ba’t noon pa man, ay nais ko nang ihandog ang aking sarili sa paglilingkod sa Diyos? Hindi ba’t lumaki ako sa loob ng kumbento. Hindi ba’t noon pa ma’y kinahihiligan ko na ang magbasa ng Biblia? Alam kong alam mo yan.

Hindi mo ba nadama ang damdamin ko nang panahong iyon? Umiyak ako, dahil ayokong mawala ka. Opo. Umiyak ako. Sa unang pagkakataon, umiyak ako nang dahil sa pag-ibig…. dahil sa pag-ibig na ito … dahil sa pag-ibig ko sa’yo.

Pero, ayaw mo akong unawain. Ayaw mo akong pakinggan…. “Ma… hihintayin kita dito sa loob ng relihiyong ito. Kailan man ay hindi ako hahanap ng iba… hihintayin kita.”

Subali’t kahit anong sabihin ko’y balewala sa’yo. Patuloy ka sa pagsasalita ng kung anu-ano. Hindi mo man lamang inisip na ang mga sinasabi mo’y nakakasakit sa akin… nagpapabigat ng aking damdamin.

Kaya, “… Kung di mo kayang patunayan ang pag-ibig mo sa akin sa pamamagitan ng pag-anib dito, …” Humagulhol na rin ako. Nanginginig ang aking buong katawan. Nahirapan akong huminga. “… hindi kita pipigiling maghanap ng iba…”

Masakit man sa aking damdamin ay nasabi ko sa’yo ang mga salitang iyon. Hindi mo dapat marinig iyon. Alam ko hindi dapat… pero nasabi ko na.

Nang ibaba ko ang telepono… bigla akong bumagsak sa sahig. Umiyak ako… Opo… Siguro di ka maniniwala… Hindi ka maniniwalang umiiyak ako… gaya ngayon habang sinusulat ko ang sulat na ito. Umiiyak ako dahil labis ang pangungulila ko sayo… lalo na ngayon na hindi na kailan man tayo maaring magkasama pa … ngayong may asawa ka nang iba.

Mahal pa rin kita. Anim na taon nang nakalipas subalit narito ka pa rin sa puso ko. Hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang laman ng isip ko. Ikaw pa rin ang nakikita ko. Hinihintay pa rin kita kahit alam kong imposible nang mangyaring magkabalikan pa tayo. Hinihintay ko ang babaeng hindi na kailan man babalik pa.

Oktubre 1998. Nabalitaan kong mayron ka nang iba. Hindi ko alam kung gaano ka totoo ang balitang ito, subali’t pinaniwalaan ko ito. Mula noon, hindi naging buo ang mga araw ko kung hindi tutulo ang mga luha sa aking mga mata.

At sa labis na pagdaramdam ay sinikap kong patayin ang aking sarili. Nakalimutan ko, na ang dahilan ng aking pag-anib sa relihiyong ito ay ang kapurihan ng Ama. Nakalimutan kong marami pang mga taong umaasa sa akin.

Salamat sa Diyos, isang babae ang tumulong sa akin. Inakay niya ako upang tumayo sa aking mga paa, at muling ihakbang ito upang akyatin ang hakdan ng aking buhay. Tinulungan niya akong maging malakas. Minahal niya ako. Sinubukan kong mahalin din siya subalit hindi ko kaya sapagkat ikaw lamang ang laman ng pusong ito.

Pebrero 1999. Nabalitaan kong buntis ka na. Muli ay nasiraan ako ng loob. Naitanim sa aking sarili ang paghihigante. Opo. Ayaw ko sanang gawin ito, subali’t nagawa ko. Nagawa kong saktan ang mga babae. Hindi lamang iyon… sinira ko maging ang kanilang pagkababae at ang kanilang kinabukasan.

Subali’t sa halip na mapagaan ang aking damdamin ay lalo itong bumigat. Lalong naging masama ang sitwasyon. Lalo akong naguluhan.

Iniluha ko ang lahat ng ito sa Ama. Sa kaniya ko hiniling ang karagdagang lakas upang malabanan ko ang kasamaang ito. Kailangan ko ang kapangyarihan Niya upang magkaroon ako ng lakas.

Salamat sa Diyos at ako’y dininig Niya. Alam ko, sa kabila ng aking mga nagawa ay napatawad pa rin Niya ako. At ang lahat ng ito… ang awa Niya ay damang-dama ko.

At kahapon ay naramdaman ko ang kaligayahang noon ko pa hinintay. Hindi ko alam kong bakit ko ito nadama… ang tanging alam ko ay karga ko ang iyong anak… na yakap-yakap ko siya … si Jufil Jr.

How I wish na si Jufil Jr. ay aking anak. Subali’t hanggang sa wish lamang iyon, sapagkat alam kong siya’y hindi akin, kundi anak ng iyong asawa.

Saan ka man naroon… at saan ka man paroroon, nais kong malaman mo na hanggang ngayon ay mahal pa rin kita, at mamahalin ka hanggang sa araw ng aking kamatayan.

Makikisuyo sana ako sayo. Maari bang sabihin mo kay Jhenette, Jufil Jr. at sa mga anak mong darating pa, na minahal ko rin sila, gaya ng pagmamahal ko sa’yo.

Please… itago mo ako sa’yong puso. At … habang binabasa mo ang sulat na ito, … wala na ako. Pumanaw na. Pagod na pagod na ako, at kailangan ko nang magpahinga. Mahalin mo ang iyong asawa higit pa sa pagmamahal mo sa akin. Ingatan mo ang  yong sarili.

So, if you think your life’s story is worthy for print, then write it now and contribute it to magazine.

Rate this:
2.8
Automatically receive updates via email...
Enter your email address:
Delivered by FeedBurner
Save to del.icio.usStumble It!Submit To NetscapeDigg This!
Posted by User ImageSELaplana, 15 June 2007 at Make Money Online (No. of Views: 16205)

Comments

6 Responses to “Make Money With Your Life’s Story”

  1. No MyBlogLog Account
    1
    no imageAnitoKid (Check me out!) Says:

    Loved the post! Bravo! Made me think I my life is worth a read to other people. Friends used to say that to me, way back in high school - had a lot of excitement way back then! And oh kabayan! Great life story! Kudos! AnitoKid at http://www.anitokid.blogspot.com

  2. No MyBlogLog Account
    2
    no imageEonGeo (Check me out!) Says:

    Uhm… could have read it if it was in English… I just feel lazy and dizzy when I read filipino texts.. Sorry.

  3. No MyBlogLog Account
    3
    no imageSELaplana (Check me out!) Says:

    EonGeo >>> i’m sorry if the story is posted in Filipino. I only showed you how I wrote my life’s story that let me earn money in print.

  4. No MyBlogLog Account
    4
    no imagerieaane (Check me out!) Says:

    I was touched with your love story, grabe ka pa lang ma-inlove!

  5. No MyBlogLog Account
    5
    no imageSELaplana (Check me out!) Says:

    thanks a lot for reading the story…. ganon talaga pag tunay na nagmahal :-)

  6. No MyBlogLog Account
    6
    Letting go…. « PhilQ8, Life and Beyond Says:

    [...] Short Stories |  What made me post this entry today is beacause I was deeply touched by the love story that I read yesterday, it’s not because the stories are related but it’s all about [...]

Leave a Reply

Search Lyrics by Artists: 0-9 - A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z