Comments on: Gen. Emilio Aguinaldo, Mastermind of the Death of our Heroes

By: rocelle
HELLO!

By: Ilokano ng vigan
While allusions can be made that Emilio Aguinaldo was the mastermind in the killing of Andres Bonifacio and Antonio Luna, it remains the way it is. no conclusive proof or evidence to justify such claims. Gen. Emilio Aguinaldo can easily argue that he could have killed them in a manner that will free him of any implication considering that we were at war against spain and later, the americans and until today with our selves.They could be easily assasinated elsewhere but not in the manner as described. In the case of Andres Bonifacio, his death sentence I believe was signed by general noriel. It was a military court which is not much different from some military trinunal acting like a kangaroo court today.In fairness to Aguinaldo, he did not relish the idea of having Bonifacio incarcerated on charges of rebellion and sedition as he holds him with high respect but nonentheless, Bonifacio was arrested at the insistence of his companions who drafted the provisions of the Naik government declaring the tejeros convention as null and void. That night they were arrested, the companions of Bonifacio betrayed the supremo by declaring allegiance to Aguinaldo and his government and convinced aguinaldo to order bonifacio’s arrest as he could be a threat to aguinaldo’s government.At the hearing  aguinaldo intended to recommend banishment as a penalty for bonifacio but he was pressured to order the death of bonifacio. I dont know of any evidence that would directly show that aguinaldo indeed ordered it considering that the signature of gen noriel was affixed.

In the case of Antonio Luna, he received a letter ordering him to go to the headquarters in Nueva Ecija, but it looks like it was not mentioned who ordered him to go. Arriving at the headquarters, Luna saw some familiar faces of soldiers he slapped one time for purposes of disciplining them.On his way down, the soldiers attacked him and stabbed him out of hatred and allegedly, the motrher of antonio luna who witnessed it even asked, ” ano natinag pa ba yan?” he died at the hands of his fellow filipinos. It is worth noting that in the diary of antonio luna he mentioned, If i die in the field of battle, i wish that my body shall be wrapped with the philippine flag…

History repeats itself..but the only thing we can learn from history is that nobody learns from history..galing po ito sa isang magaling na awtor. Marami pong salamat

By: billymidol
Excerpts from General Artemio “Vibora” Ricarte. Capitan Heneral of KKK, (chief of staff)

(1866-1945), “Himagsikan ng Pilipino Laban sa Kastila”. From his capture in 1901 by the americans, he never swear allegiance to the american government, until his death in 1945. He died somewhere in the sierra madre mountains, he’s with the fleeing japanese forces during the liberation.  Until his twilight years he chose to be with the japanese imperial army, than to be with the americans.

Mga bagay-bagay na nangyari sa buwan ng Marso ng 1897. —

a — Samantalang pahigpit nang pahigpit ang mga pagpapanagpo sa Bakood, sa Salitran at Nobeleta noong mga unang araw ng buwang ito, at nang mapansin ng mga pinuno ng Sangguniyang Magdiwang na ang Pamahalang Magdalong di na gagaano ang kanyang tinitiis na pagkasupil, kayat ang nalalabi na lamang kanyang pinamamanihalaang lupaing sakop, ay ang Cavite el Viejo, Bakood at Imus sa hilaga, — ang Pamahalaang Magdiwang ay pinaanyayahan ang lahat ng mga pinunong naghihimagsik sa sakop niya, upang magdaos ng pagpupulong at mapag-usapan ang pagtatanggol na dapat gawin sa lupang nasasaklaw ng Magdiwang, at ang pook na itinadhanang pagdarausan ng pulong, ay ang bahay-asyenda ng Teheros (San Francisco de Malabon). Sa araw at oras na natatakda sa paanyaya ng pulong, na nilagdaan ni G. Jacinto Lumbreras (Kagawad ng Estado, pangsamantalang Pangulo ng Magdiwang, dahil sa may sakit si G. Mainam), ay nagsidalo ang maraming mga pinuno ng Magdiwang; ngunit dahil sa isang kapansanang ibinunga ng paglalabanan sa Salitran, Molino at Presa (Imus), ay itinakdang sa araw na susunod, ay ganapin ang pagpupulong sa bahay ring yaon at sa oras ding natatakda.

Mga unang oras pa lamang ng kinabukasan na ipagdaraos ng pulong, ay napuno na ng mga tao ang bahay-asyenda ng Teheros, hindi lamang sa mga pinunong kaanib ng Magdiwang, kundi pa naman sa maraming taga-Magdalo, kahimat hindi sila inanyayahan. Sa mga pang-unang pinuno ng Magdiwang na nagsidalo, bukod sa Ktt. Pang-ulo ng Katipunan, ay kabilang ang mga ginoong sumusunod:

Mariano Alvarez, Pascual Alvarez, Santiago Alvarez, Luciano San Miguel, Mariano Trias Closas, Severino de las Alas, Santos Nocon, at iba pa; at sa nga kaanib ng Magdalo naman, ay kabilang sina GG. Baldomero Aguinaldo, Daniel Tirona, Cayetano Topacio at Antonio Montenegro at iba pang mga ginoo.

Pagkabukas ng pulong na pinangunguluhan ni G. Jacinto Lumbreras, na siyang, sa maiksing pananalita’y, nagpatalastas sa lahat ng sanhi ng pagpupulong, si G. Severino de las Alas ay huminging-tulot na makapagsalita, at pagkabigay sa kanya ng pahintulot, ay nagsabi, na bago mag-usap ng tungkol sa pagtatanggol sa isang maliit na lupain ng lalawigang Kabite, ay dapat munang pag-usapan ang uring pamahalaang dapat pairalin sa Kapuluan sa loob ng kasalukuyang kalagayang yaon, at sa pamahalaang ito, anya, ay maaaring manggaling ang lahat ng ibigin at kailanganing pagtatanggol.

Siya ay sinagot ng Pang-ulo sa pulong, na ang Kapuluan ay may Pamahalaan na, mula pa sa pagkakatatag ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan, ng Ktt. Sanggunian nito, ng mga Sangguniang Lalawigan, at ng mga Sangguniang-Bayan. At saka inulit noon din ng Pang-nlo ang pagpapaalala ng dahilan ng pagpupulong na isang bagay na tutoong mahalaga sa mga gayong sandaling panganib. Si G. Andres Bonifacio sa kapahintulutan ng Pang-ulo, ay nagsalita at pinatunayan niya ang unang ipinahayag ni G. Lumbreras hinggil sa pamahalaang sa kasalukuya’y umiiral na sa Kapuluan; at ipinaliwanag tuloy niya ang kahulugan ng K na nakalagay sa gitna ng araw na bagong sumisikat sa Watawat, na “Kalayaan” ang ibig sabihin, ayon sa nasasaad sa ulat ng Bandila ng Panghihimagsik.

Si G. Severino de las Alas ay muling nagsalita at anya: Na ang titik “K” sa bandila at ang bandila na ring iyan, ay di maaring magpakilala kung anong uring pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyang panghihimagsik, na anopat hindi masabi kung “Monarquico” o maka-hari o kung “Republikano” kaya naman (makabayan). Ipinakli ni G. Andres Bonifacio na ang mga Katipunan mula sa Ktt. Parng-ulo ng Mataas na Sanggunian hanggang sa kababa-babaan, ay ganap na kumikilala sa mga simulaing ito:— Pagkakaisa, Pagkakapatiran at Pagkakapantay-pantay; at sang-ayon dito’y mapagkikilalang maliwanag na ang Pamahalaan ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan, ay hubog republikano ó makabayan.

Tumayo si G Antonio Montenegro at siya namang nagsalita ng pagkatig sa palagay ni G. De las Alas, at sa isang tinig na di pangkaraniwan, ay sinabi ang ganito: Kung di natin pagpasyahan dito ang kahilingan ni G. De las Alas, tayong lahat na mga naghihimagsik, ay mapapatulad sa isang hamak na pangkat lamang ng mga tulisan ó kaya’y masahol pa rito, ó kaparis lamang tayo ng mga hayop na walang mga katuwiran.

Dahil sa mga huling pananalitang ito ni G. Antonio Montenegro, ay nasugatan ang damdamin ni G. Santiago Alvarez, na noon di’y tumayo at sa mahahayap na tingin kay Montenegro, ay nagsabi— “Kaming mga naghihimagsik dito sa Kabite, lalung-lalo na kaming napapailalim sa Pamahalaang Magdiwang, ay kumikilala’t sumusunod sa Pamahalaang itinatag ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan. At kung ibig ninyong magpairal ng ibang uring pamahalaan sa inyong sariling pag-isip, ay umowi kayo sa inyong sariling lalawigan at agawin sa kapangyarihang kastila, gaya rin ng amin nang ginawa hanggang sa sandaling ito; at kung magkakagayo’y gawin ninyo ang bala ninyong maibigang gawin at walang sinomang manghihimasok sa inyo. Kaming mga taga-Kabite ay di nangangailangan at di mangangailangan kailan pa man ng isang tagapagturong kabikas lamang ninyo”.

Nagabulahaw ang madla, pagkat ang mga kawal na taliba ni G. Santiago Alvarez na nasa tabi noon ng hagdanan, ay nagpakilala ng isang anyong mabalasik at handang paputukan ang mga nasaloob ng pagpupulong. Itininding ang pulong ng walang kaayus-ayus; ngunit pagkaraan ng isang oras, at nang mapayapa na ang mga simbuyo ng loob ng mga kapanig ni G. Santiago Alvarez at ni G. Antonio Montenegro, ay binuksan muli ang pagpupulong na noon ay pinanguluhan na ni G. Andres Bonifacio, dahil naman sa ganitong sinabi ni G. Jacinto Lumbreras:— Na, sapagkat nahihinggil sa isang bagay na labas na labas sa paanyaya ng pulong, at natutukoy sa pagtatatag ng isang Pamahalaang Pangkalahatan ng Panghihimagsik, ay hindi ko dapat panguluhan ang pagpapatuloy ng pulong. Sa gayon ay pasigaw na hiningi ng lahat na panguluhan ni G. Andres Bonifacio ang pulong, sa bisa ng kanyang pagka-Pang-ulo ng Ktt. Sanggunian ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan, na siyang nagbunsod sa bayang Pilipino sa kasalukuyang kalagayan; kaya si G. Bonifacio nga ang nangulo at si “Vibora” naman ang nanungkulang maging Kalihim ng pagpupulong.

Nang muling magkaayus ang madla, ay binuksan ni G. Andres Bonifacio ang pulong, na nagsabing:—

“Yamang ninanasa ninyong magtatag ng isang Mataas na Pamahalaang makapamatnugot sa Himagsikan, at alisin na ang Pamahalaang itinatag ng Katipunan at ang pinagkayarian sa Kapulungan sa Imus (talang 31 at 32), ako, — sa aking pagka-Pang-ulo ng Ktt. Sanggunian nang Katipunan,— ay pumapahinuhod sa inyong wastong kahilingan; datapwat dapat munang anyayahan ko kayo na tayong lahat ay kunmilala sa isang simulaing mapagbabatayan ng ating mga pasya sa pulong na ito, ó sa iba man, at ang nasabing simulain ay itong sumusnod:— Na, ating igalang at sundin ang pasya ng nakararami”. Sa bagay na ito ay nagkaisa ang lahat na sumang-ayon.

Ipinasya at ipinahayag noon sa gitna ng paulit-ulit at masigabong sigawan ang:— REPUBLIKA NG PILIPINAS. At pagdaka’y isinunod ang paghahalal ng mga taong hahawak sa Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas, ng mga sumusunod na tungkulin:

1— Pang-ulo, 2— Pangalawang Pang-ulo, 3— Kapitan Heneral, 4— Direktor de Guerra, 5— Direktor ng Pangloob (Interior), 6—Direktor de Estado, 7— Director ng Pangangalakal, 8— Direktor de Hacienda, 9— Direktor de Fomento at 10—Direktor de Justicia.

Bago pasimulaan ang pagbobotohan, si G. Andres Bonifacio, ay nagpaalaala sa mga manghahalal na kumakatawan noon sa iba’t ibang lalawigan ng Kupuluan, na ang lumabas na mahalal sa dami ng boto, ay siyang igagalang at susundin, maging anoman ang kanyang kalagayan sa loob ng kapisanan at maging gaano man ang naabot na taas ng pinag-aralan; na anopa’t kahit siya’y maging tagapaglinis ng palikuran o pugunero, bagay na pasigaw na sinang-ayunan ng madla. Ipinamudmod ang mga papeleta, at pagkaraan ng isang oras ay ginanap ang pagbilang ng mga boto, at lumabas na nakaraming halal sa pagka-Pang-ulo ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas, ay si G. Emilio Aguinaldo, laban kay G. Andres Bonifacio at G. Mariano Trias. Ipinamahayag ang nahalal sa pamamag-itan ng mga palakpakan at sigawang “Mabuhay!”

Noon din ay ginanap ang paghahalal ng Pangalawang Pang-ulo. Si G. Severino de Alas ay nagsalita, na yamang si G. Andres Bonifacio ang pumangalawa sa nahalal sa dami ng mga botong tinamo, ay dapat na siya na ang ipamahayag na Pangalawang Pang-tulo (Vice-Presidente) ng Republika. Wala ni sinoman sa nagkakatipon na nagsalitang sangayon ni laban sa mungkahi ni G. de las Alas; kaya ang Pang-ulo ng pagpupulong, ay nagpasyang ganapin ang pagbobotohan, na, pagkatapus isagawa, ay nagtamo ng maraming boto si G. Mariano Trias Closas, laban kay G. Andres Bonifacio, kay G. Severino de las Alas at G. Mariano Alvarez.

Isinunod noon din ang paghahalal ng Kapitan Heneral at ang nagtamo ng maraming boto, ay ang Kalihim ng pagpupulong na si “Vibora”, laban kay G. Santiago Alvarez. Ang Kalihim ng pagpupulong ay tumindig at tumutol laban sa pagkahalal sa kanya na ang sabi:— “Ako, ang higit sa lahlat, ay nakakaalam ng abot ng aking kaya at tunguhin; ang tungkuling marangal na ipinagkaloob sa akin ng kapulungang ito, ay hindi naaangkop sa dahop kong lakas, pagkat isang tungkuling napakarangal sa ganang akin; ngunit hindi ko makakaya; sa dahilang ito ay ipinamamanhik ko sa kapulungang, huwag masamaing gawin ko rito, ang magalang kong pagtanggi”. Mga sigaw na masigabo noon ang narinig na di nagpapahalaga sa pagtutol at pagbibitiw, at sa gayo’y inanyayahan ng Pang-ulo ang lahat sa kaayusan, na ang sabi:- “Gumagabi na at kailangang ipagpatuloy natin ang paghahalal ukol sa ibang mga tungkulin. Isang tinig noon ang namungkahi at ito’y pinagtibay naman, na, upang mapaiksi ang pagbobotohan, ay ipag-utos na lumagay sa isang tabi o gawi ang kumakatig sa isang tao, ukol sa gayong tungkulin, at sa isa namang tabi o panig ang sang-ayon sa isa namang kandidato. Sa pamag-itan ng paraang ito, ay pinagbotohan ang tungkuling Direktor de Guerra, at ang lumabas na nagtamo ng lalong maraming boto, ay si G. Emiliano Riego de Dios, laban kina GG. Ariston Villanueva, Daniel Tirona at Santiago Alvarez. Pagkatapus maipamahayag at. mapapurihan si G. Emiliano Riego de Dios, na naging Kagawad sa Pagpapaunlad ng Pamahalaang Magdiwang, ay ipinagpatuloy ang paghahalal sa pagpili ng Direktor del Interior ó Pangloob sa pamag-itan ng gayon ding kaparaanan. Dito’y lumabas at nagtamo ng lalong maraming boto si G. Andres Bonifacio, laban kina GG. Mariano Alvarez at Pascual Alvarez.

Sa gitna ng magiting na sigawang “Mabuhay!” na pagpaparangal kay G. Bonifacio, si G. Daniel Tirona’y humingi ng katahimikan at nagsalita ng ganito: — “Mga kababayan: — Ang tungkuling pagka-Direktor del Interior ay halos kasinglaki rin nang sa Pangulo ó Presidente; kaya’t ang Kagawarang iya’y di dapat pamanihalaan ng isang taong di nag-aangkin ng isang katibayan ng pagka-abogado. Mayroon tayo dito sa ating lalawigang isang abogadong may sadyang katibayan, at ito’y si G. Jose del Rosario: dapat nga tayong tumutol laban sa nahalal at pinapurihan”, at (sa pamag-itan ng salitang isinisigaw niya ng buong lakas) ay sinabing: “ihalal natin si G. Jose del Rosario, abogadong Kabitenyo!”

Sa pagkasugat ng damndamin ni G. Bonifacio, ito ay tumindig at nagsalita ng ganito: —

Hindi ba natin pinagkayariang igagalang ang boto ng nakararami, maging anoman ang uri ng kalagayan sa kapisanan ng taong napahalal? Pagkasabi nito’y hiningi kay G. Daniel Tirona na bawiin nito ang lahat niyang ipinahayag, at bigyan ang kapulungan ng isang kasyahang-loob tungkol sa kanyang sinalitang nakasisirang puri sa nahalal; ngunit dahilan sa si G. Tirona’y nagtangkang magpawala-wala sa karamihan ng tao, at ipinagwalang-bahala ang hinihingi ni G. Andres Bonifacio, binunot nito ang kanyang rebolber, upang paputukan si Tirona, subalit naagapan ng kalihim ng mesa na pigilin ang kanyang kamay (ang kay G. Bonifacio), kung kaya ang nangyari’y naowi na lamang sa gayon. Sa dahilang ang madla ay nag-aalisan na noon, si G. Andres Bonifacio ay nagsalitang malakas ng ganito:— “Ako, sa aking pagka-Pang-ulo ng kapulungang ito, at sa pagka-Pang-ulo rin naman ng Ktt. Sanggunian ng Katipunan, na di nalilingid sa labat, ay ipinahahayag kong lansag na ang kapulungang ito at pinawawalaan ng kabuluhan ang lahat ng sa loob niya’y pinagkayarian at pinagpasyahan”. At siya’y umalis din naman, na sinusundan ng kanyang mga kabig.

Si G. Baldomero Aguinaldo, Pang-ulo sa Sangguniang lalawigang Magdalo, bago siya umalis sa bahay-asyenda ng Teheros nang gabi ring iyon, ay nilakad niya kay “Vibora” upang ang pagpupulong ay maipagpatuloy kinabukasan. Pagkatapus ng usapan nilang ito, at sa pangangakong ang mga taga-Magdalo ay magsisidalo ring muli, ay nagsialis si G. Baldomero Aguinaldo na kasama ng kanyang mga tao at si “Vibora” na kasama naman ng mga iba pa.

Nang kinabukasan at sa bahay ding yaon, ay nagkatipon sina GG. Andres Bonifacio, Mariano Alvarez, Diego Mojica, Ariston Villanueva, Jacinto Lumbreras, Pascual Alvarez, P. Manuel P. Trias (kura paroko sa San Francisco de Malabon), Luciano San Miguel, Santiago Alvarez, Nicolas Portilla, Santos Nocon at iba pang marami, na pinaanyayaban ni “Vibora”, di lamang sa nasang magawa ang pagkakasundo-sundo ng lahat, kundi pa naman upang mapasimulaan at maipagpatuloy muli ang nagulong pagpupulong nang araw na sinundan. Lahat sila’y nagsipaghintay sa bahay-asyenda sa Teheros sa pagdating ng mga kagawad at kaanib ng Pamahalaang Magdalo hanggang ika-5 ng hapon; ngunit dahil sa di pagdating ng sinoman sa mga ito hanggang sa oras na yaon, ay nagkahiwa-hiwalay na rin ang mnga pinaanyayahan ni “Vibora”.

b — Nang ika-6 ng hapon ng araw ding yaon, si “Vibora” ay inanyayahan ng mga taga Magdalong nagkakatipon sa kombento ng Santa Cruz ng Malabon. Ang inanyayahan ay dumalo at nang nasa kombento na siya, ay patagong nakihalo sa karamihang naglisaw sa iba’t ibang silid ng kombento, lalung-lalo na sa bulwagan, na kinalalagyan, sa gitna, ng isang “crucifijo” na napapaligiran ng mga kandilang nagdidingas at sa harap ng tinurang krusipiho ay may tatlong magagandang unang-luluhuran. Sa gayo’y nabatid ni “Vibora”, sa lahat niyang nakikita at naririnig, ang dahil ng sa kanya’y ipinag-anyaya, kung kaya lalo na siyang nagtago noon sa karamihang tao. Nang mangainip na ang mga pinunong nagkatipon sa di pagdating ni “Vibora” sapagkat nakaalas-8 na, si G. Emilio Aguinaldo at si G. Mariano Trias Closas, na tinatalibaan ni G. Daniel Tirona, ni G. Severino de las Alas, ng kura paroko at ng mga iba pa, ay nagsilabas mula sa isang silid at nagsipatungo sa bulwagan. Si G. Emilio Aguinaldo at si Mariano Trias Closas ay nagsiluhod sa dalawang nakahandang unang luluhuran sa harap ng krusipiho at binayaan ang isang unang walang nakaluhod. At ang dalawa’y sumumpa at nagsitanggap ng tungkuling ikinahalal nila nang sinundang araw.

Si “Vibora”, matapus ang magkalahating oras, ay nagtangkang umalis na patago rin, upang huwag maino ang kanyang pagkaparoon sa kombento; ngunit nang siya’y nasa hagdanan na, ay nakita ng ilang nakakikilala sa kanya, isa sa kanila’y si G. Jacinto Pulido, Pang-ulo noon sa Sangguniang-bayan ng Santa Cruz ng Malabon, na siyang humawak sa bisig ni “Vibora” at ipinasok ito sa silid na kinalalagyan nina GG. Emilio Aguinaldo, Mariano Trias at kanilang mga kabalangay. Aug pagpasok ni “Vibora” ay sinalubong ng masisigabong sigawang “Mabuhay!”, at nang nasa piling na si “Vibora” ni G. Emilio Aguinaldo, ay pinipilit nitong sumumpa at tumanggap ng tungkulnig ikinahalal niya nang sinundang araw, sa pamamag-itan ng maraming pangangatuwiran; ngunit si “Vibora” nagpakatanggi-tanggi at ang sabi na “ang gayong napakaagap na gawain, ay magiging sanhi ng malalaking samaan ng loob sa mga naghihimagsik, pagkat siya na rin ang naging saksi ng lahat ng mga nangyari sa pagpupulong sa Teheros”. Sa gitna ng mainit na pakikipagtalo ni “Vibora” kay G. Emilio Aguilnaldo at sa iba pang tao nito, si G. Daniel Tirona, ay nakisagot at ang wika: “Pabayaan na natin si “Vibora”, pagkat napagkikilalang siya’y may napangakuang ibang tao”; bagay na ikinapoot ni “Vibora” at pinaklihan ng ganito: “Ako ay nakapangakong bawiin ang kalayaan ng Pilipinas, ngunit hindi ako kaparis mo at ng mga iba pang nangaritong nangakong maglingkod sa isang tao ó sa mga taong pawang taga-isang lalawigan lamang ng kapuluan”. Ang pagtangging iyon ni “Vibora” sa pagsumpa, ay ipinagmatigas niya ng buong dahas hanggang sa hatinggabi, bagama’t sa huli, upang siya’y makalayo na lamang sa pulutong na yaon, ay pumayag din, ngunit sa ilalim ng isang kasunduang tanggapin aug kanyang pagbibitiw pagkatapus niyang makapanumpa; at sa gayo’y sumumpa nga siya sa gitna ng lahat at sa harap ng isang krusipihong nasabi na. Pagkaraan nito’y umalis sa kombento si “Vibora” at iniwan silang walang tigil sa pagpupulong na tumagal hangga noong ika-25 ng Marso, 1897, na kanilang ipinagkahiwalay, dahil lamang sa pagkakuha ng mga kastila sa bayan ng Imus, at sa pagkapatay sa Tenyente Heneral G. Crispulo Aguinaldo, matandang kapatid ni G. Emilio, gaya na naging nayulat na sa unahan. Isang pangyayaring dapat banggitin ang napansin, samantalang sina G. Aguinaldo at kasama, ay nagsisipagpumilit na si “Vibora’y” papaniwalaing mahalaga at mabisa ang sumpa niya, ukol sa ipagkakabisa ng kanyang mga ginagawa at mga gagawin pa. Ang naturang pangyayari ay di iba’t ang pagdating sa kombento ni Koronel Esteban San Juan at Komandante Julian Montalan ng Magdiwang. Ang dalawang ito ay pumasok sa kombento, na may anyong handang-handa sa paglaban, at pagkaraka’y nagsituloy sa itaas, bagama’t gayon na lamang kahigpit ang pagpapatanod sa mga bantay na kawal sa pinto ng kombento, na sa hagdana’y huwag magpapanhik ng sinomang taga Magdiwang, lalung-lalo na kung may mga armas. Ang dalawang pinunong nasabi, ay nagsipatungo sa kombento sa tangkang umabuloy kay “Vibora” sakaling kailangan, dahil sa balitang kumalat na si “Vibora” ay ibinilanggo. Nang malansag ang pagpupulong na ito, na karapatdapat tawaging “Kapulungang kabitenyong maka-Aguinaldo sa Santa Cruz de Malabon”, ay pinagkaisahan ng mga nagpulong na ibalitang walang naging bisa ang lahat ng ginawa at pinagpasyahan sa naturang pulong, sa pag-aakalang sa paraaang ito’y masasawata ang mainit na simbuyong laban sa kanila’y naghahari sa loob ng marami.

Ika-Apat na Bahagi

c. — Sina GG. Emilio Aguinaldo, Luciano San Miguel at Vibora — Noong ika-6 ng hapon nang ika-25, araw na ikinakuha ng mga kastila sa bayan ng Imus, ang tatlong ginoong nasabi, ay nagsilagay sa dakong labas na malapit sa kabayanan at ang tangka’y maharang ang mga kastila sa pagtungong San Francisco de Malabon, Nobeleta at Cavite el Viejo Nang di makatagpo ng mabuting pook na dapat katayuan, sina GG. San Miguel at “Vibora’y” nagsiuwing kasama ang lahat nilang mga kawal, gayon din ang ginawa ni G. Aguinaldo, na umowi raman sa Naik at dito’y nagkasakit siya nang may kalubhaan sa loob ng dalawang linggo.

d. — Nang isa sa mga huling araw ng Marso, 1897,— ang mga kastila’y umalis sa Imus; nagsipagdaan sa mga lupang sakahan sa dakong timog ng kabayanan ng Cavite el Viejo at nagsipasok sa lupang sakop ng San Francisco de Malabon hanggang mangakarating sila sa nayon ng Bakaw ng naturang bayan. Sa pook na ito’y natagpuan nila ang pangkat ni G. Andres Bonifacio, saka ang mga tao ng Magdiwang. Pinaglunggatian ng mga naghihimagsik na ang mga kastila’y mapabalik sana muli sa Imus, ngunit walang nangyari. Nagsitulog noon ang mga kastila sa naturang nayon ng Bakaw, at nang kinabukasan, ay nasilakad, na ang malaki nilang pangkat ay naliligiran ng maraming kalabaw at mga kabayong napaghuli nila sa mga kaparangan at sila’y nagsitungo sa asyenda ng Teheros, ngunit nilusob ng buong higpit ng mga kawal ni Tenyente Heneral San Miguel, ni Koronel Antonio Virata at Koronel Esteban San Juan, ng Komandante Montalan, kasama pa ang mga sariling kawal ni G. Andres Bonifacio. Sa pagurong sa labanang ito ng mga kastila, ay nakuha nila ang Nobeleta, at ang tanggulan nitong, di nagahis kailan man, ay napilitang iwan ng mga tanod na pinangunguluhan ni Heneral San Miguel. Sa mga namatay sa labanang ito, ay kabilang ang isang nagngangalang Gregorio Dampot.

35. —Mga bagay-bagay at pangyayari sa buwan ng Abril, 1897. —

a — Nang nagsisimula pa lamang ang buwang ito,— si G. Andres Bonifacio at “Vibora” ay lumusob sa mga kastilang nasa Nobeleta, at bagaman gayon na lamang ang naging kasiglaan sa pakikilaban ng mga naghihimagsik, na tumagal tuloy ng maghapon, ay di rin nagbunga ng kasyahang-loob. Kasama naman sa nangapatay ang isang nagngangalang Juan Munti, na ang bangkay ay naiwan sa pintuan na rin halos ng tahanang kinahihimpilan ng mga kastila.

b — Pagkakuha ng San Francisco de Malabon. — Noong ika-7 o 9 ng umaga, ang mga kastilang pinangunguluhan ni G. Francisco Valencia (Talang 19 at 20), ay nagsialis sa Nobeleta at kanilang sinalakay ang San Francisco de Malabon; sa pagsalakay na ito, ang mga kastila’t naghihimagsik ay nagkaroon ng isang labanang napakahigpit at madugo. Marami sa mga sumalakay ang nasawi gayon din naman sa mga naghinimagsik; katunaya’y halos kalahati sa mga tao ni G. Andres Bonifacio ang nangamatay, dahilan sa banal na pagtupad sa kanilang sinalita nang di pa nangyayari ang pagsalakay ng kaaway, na anila: “Dito’y iiwan namin ang amin-aming mga buhay”, palibhasa, sa bayang Mapagtiis ay nagtamo sila ng mga pagmamahal at mabuting pagtingin ng mga taong-bayan. Kabilang sa mga nasawi ang Komandante Pio Bayot, Lucio at Valeriano Poblete (ama at anak), Nicomedes at Cornelio Esguerra (ama at anak), Juan Broas, ang anak ng nasawing Kapitan, G. Mariano San Gabriel, isang nagngangalang Vicente Pulot, Santiago Sangafiar at ang Kapitan-Ayudante at Kalihim ni “Vibora” na si G. Francisco Arnaldo.

Dapat din namang banggitin na si Heneral G Pio del Pilar at kanyang maraming kawal at isang maliit na pangkat ng Imus na pinangunguluhan ng isang Komandante, ay nagsigibik sa pagtatanggol ng San Francisco de Malabon; ngunit bago magsimula ang paglalabanang nasabi na, ay nagsialis din nang walang anomang paalam sa tnga pangkat na nasa pook ng Tarike. Nakuha nga ng mga kastila ang bayan, at pagkaraka’y sinunog nila ang maraming bahay sa harap ng simbahan, mula sa dakong silangan hanggang kanluran Nang sumunod na araw sa pagkakuha ng San Francisco de Malabon, sina “Vibora”, ang Heneral ng Brigadang G. Nicolas Portilla at iba pa, mula sa Katibayan (Buenavista) ay nagsitungo sa bayan ng Kampupot (Aliang, Santa Cruz de Malabon ó Pangwagi) at sa pagpapatuloy nila sa dakong Indang (Walangtinag), ay natagpuan dito si G. Mariano Trias Closas sa piling ng kasintahan niyang si Bbng. Maria Ferrer, kasama nito ang ama at ang kapatid na si G. Luis Ferrer. Itong mga huli ay luha-luhaang nagpapaalam sa naturang pinunong Trias, na siyang nagtulot upang ang kanyang magiging biyanan at mga anak nit6, ay magsiharap na at pumailalim sa kapatawaran ó “amnistia” na ipinagkakaloob ng pamahalaang kastila, sanhi sa pagkakuha sa bayan ng Nobeleta ng mga pulu-pulutong na kastilang pinamamanihalaan ni Heneral Lachambre. Maraming salin ng pamahayag tungkol sa amnistia ng mga kastila ang kanilang ipinadala bago salakayin ang San Francisco de Malabon, at sa mga bayang nasa kamay pa noon ng mga naghihimagsik at sa iba pang pook, sa pamamag-itan ng mga taga Santa Kurus de Malabon, na gaya ng naiulat na’y, nagpahalata sila (taga Tansa), nang mga una pang sandali, ng pagwawalang bahala at panghihinabang ng loob sa ating mga kawal, lubha pa nga nang makuha na ng mga kastila ang Imus at Nobeleta. Ang mga taga Santa Krus de Malabon, ay nagpamalas ng tunay na kapootan sa mga naghihimagsik, sa katunaya’y isa man halos sa mga mag-aanak na lumalayo sa pook ng labanan, dahil sa pagkahulog na sa mga kastila ng kanilang bayan, ay di pinatutuloy (ng mga taga Tansa) sa kanilang mga bahay o looban kaya; sa dahilang ito, ang lahat ng mga naghahanap ng sukat mapangublihan, ay sa Naik o sa Indang kaya nagtutungo, mga bayang tumatanggap naman sa kanila (ang mga alsang balutan) ng buong pagtingin at habag.

Si G. Francisco Valencia, nang nasa Nobeleta na, kasama ng mga kastila, ay nagpadala rin ng mga sugo sa kanyang bayang Santa Krus de Malabon, upang ang mga tagaroon ay magsipaglagay ng bandilang puti sa kanilang mga bahay-bahay, tanda ng pagsuko, bagay na sinunod nga ng lahat, mula noong kinabukasan ng pagkakuha ng San Francisco de Malabon. Ang Santa Cruz de Malabon ay nakuha nang walang laban at kapagkarakang makapasok doon ang nmga kastila, ay pumailalim na sa “amnistia” ang Ministro de Guerra ng pamahalaang Magdalo, na si G. Daniel Tirona at ang Heneral ng Brigadang G. Juan Cailles. Itong huli, nang magtatag ng pangkat ng mga kusang-loob (voluntarios) si G. Valencia, ay dagling humarap na maging kawal at pumisan kay G. Jose del Rosario, ang abogadong ipinagmamapuri at inihahalal ni G. Daniel Tirona sa Teheros.

Pagdating nina “Vibora” at mga kasama sa Indang at mabatid na wala roon ang pamahalaang Magdiwang, ay nagsipatungo ng Naik at dito na dinatnang napapanatag ang Magdiwang at ang Magdalo sa piling ng Ktt. Pangulo ng Katipunan, G. Andres Bonifacio.

Bago magmahal na araw (Semana Santa) nang taong 1897, ang dalawang pamahalaan ng iMagdiwang at Magdalo, ay nagsisiiral sa Naik, at ang kanilang mga hukbo, ay nagsilagay sa pampangin ng ilog Timalang. Ang mga pinuno ng Magdiwang ay nagsipagtangkang lusubin ang mga kastilang nasa sa Santa Cruz de Malabon, ngunit ang balak na ito’y hindi natuloy, dahil sa mga kata-katang nakasusuklam na kinapatayaan ng mga kagawad ng dalawang pamahalaang nasabi, na kapwa natatayo sa isang maliit na bayan.

c — Pagkabalita ni G. Andres Bonifacio na ipinasya ng pamahalaang Magdalo ang pagpapalaya sa mga kastilang bihag na nasa kanilang kapangyarihan, ay ipinagpautos sa kanyang mga kawal na hulihin ang mga nangasabing bihag pati kanilang tagahatid na noo’y nabalitang patungo na sa dakong Santa Cruz ng Malabon, at iharap sa kanyang natatalibaang mabuti. Naganap ang kanyang ipinag-utos at ang mga hinuli ay dinala sa bahay-asyenda ng Naik, na siyang kinalalagyan noon ng pamunuan ng Ktt. Pang-ulo ng Katipunan at ng sa Magdiwang; kasama sa mga kastilang nahuli si Heneral Mascardo, at ang Ministro ng asyenda ng Magdalo na si G. Cayetano Topacio. Kumalat ang balita ng naturang pagkahuli, at nang malaman ni G. Emilio Aguinaldo, ito’y nagtungo sa pook na kinalalagyan ni G. Bonifacio at nang silang dalawa’y magkita ay sinabi ni G. Bonifacio ang gaya ng sumusunod:- “na ang sinomang katipunero’y may kabig ó wala man, ay may tungkuling humadlang sa pagharap ó kaya pagsuko ng sinomang pilipino, sa mga pinuno ó kaya sa kapangyarihan ng mga kaaway, lalung-lalo na ng mga pinunong pilipinong tanyag na tanyag na; sapagkat ang Katipunan ay itinatag, upang pumatnubay sa Panghihimagsik hanggang sa matamo ang layon, na di iba’t ang “Kalayaan ng bayan”; at sapagkat humarap na sa mga pinunong kastila ang dalawang bansag na kagawad ng Pamahalaang Magdalo, ay ibig niyang mailagang gayahan ng iba ang gayong gawi, na totoong nakasisirang-puri sa Panghihimagsik. Si G. Emilio Aguinaldo ay sumagot at nagpaliwanag din na ikinasiyang loob ng lahat ng kaharap noon; kayat nanauli ang dating pagkakasundo tuloy nagyakapang mahigpit ang dalawang pinuno pati naman ang mga nakaharap.

d — Paglusob sa mga bayang Sto. Tomas at Tanawan, Batangan, ng mga naghihimagsik. —Ang mga kawal ng pangpook ng Pamahalaan ng Batangan na pinamumunuan ng kanilang Heneral G. Miguel Malvar, at saka ang mga tao ng mga Heneral Lucino at Portilla (Nicolas), sa lilim ng pamamahala ni ‘Vibor4″, ay nagsilusob sa mga bayang nasabi na sa unahan at sa kinatatayuang lugal ng mga kastila sa nayong yaong pinanganganlang Bilug-bilog. Nagkaroon ng mahigpit na labanan; ngunit sa huli, ang mga naghihimagsik ay napaurong na marami ang sugatan at may ilang patay.

e — Sa likod ng Pasko ng Pagkabuhay ng taong 1897— Nang matamo na ni G. Emilio Aguinaldo ang pagkagiliw sa kanya ng marami sa mga pinunong naghihimagsik, ay kanyang pinairal ang kapasyahang pinagtibay sa Kapulungan sa Teheros at ang sa Kombento ng Santa Cruz, at sa gayo’y tinipon niya ang mga kagawad ng pamahalaang Magdiwang sa isang hayag na pagpupulong; ito ang patuluyang nagpasya at nagtatag ng Pamahalaan ng Republika Pilipina, sa lilim ng ganitong pagkakabuo:

Pang-ulo, G. Emilio Aguinaldo; Pangalawa, G. Mariano Trias Closas; Kapitan Heneral, “Vibora”; Direktor de Guerra, G. Emiliano Riego de Dios; Direktor del Interior, G. Pascual Alvarez; Direktor del Estado, G. Jacinto Lumbreras; Direktor de Hacienda, G. Baldomero Aguinaldo; Direktor de Fomento (Instruccion, Comercio y Obras Publicas), G. Mariano Alvarez; Direktor de Justicia, G. Severino de las Alas.

Matapus malagyan ng tao ang mga naturang tungkulin, ay pinagkaisahan ng lahat ng magkakasama sa tagong pamahalaan, na baguhin ang mga sagisag at palatandaang dati ng mga kawal sa hukbo.

36 — Mga bagay-bagay at pangyayarirng mahalaga sa buwan ng Mayo hanggang sa pagdating sa Biyak-na-Bato ni Aguinaldo.—

a. — Nang mnga huling araw ng Abril 6 mga unang araw ng Mayo ay tinipon ni G. Andres Bonifacio ang kanyang mga kabig sa nayon ng Limbon, Indang, sa nasang umalis na sa lupang Kabite, at magtungo sa kabundukan ng San Mateo (Maynila) at sa mga kabundukan ng Bulakan. Samantalang inaantabayanan ang kanyang mga tao, na sa pagsunod sa kanya’y nagsipatungo rin sa lupang Kabite, at samantalang inaantay niya ang pagbabalik ng mga kawal niyang nagsisiyasat ng kanilang mabuting pagdaanan. ay maraming mga litaw na taga Kabite, kabilang sa kanila’y si G. Severino de las Alas at ang Koronel Jose Coronel, ang nagharap kay G. Emilio Aguinaldo ng ilang sumbong(???) laban sa naturang si G. Andres Bonifacio. Ilan sa mga sumbong ay itong mga sumusunod:

Na, ang nasabing si G. Andres Bonifacio ay binayaran ng mga prayle, upang magtatag ng Katipunan at ibunsod ang bayang pilipino sa digma ng walang sandata, laban sa Pamahalaang Kastila na sagana sa lahat ng kailangan, ukol sa pakikibaka.

Na, ang nasabing G. Bonifacio ay nag-utos sa kanyang mga tao na sunugin ang simbahan at kombento ng lndang kung makuha ng mga kastila ang kabayanan. Na, ang mga kawal ni G. Bonifacio ay nagsisikuha, sa pamamag-itan ng lakas, ng mga kalabaw at iba pang mga hayop na pangsaka na pinapatay at kinakain nila.

Na, si G. Bonifacio ay may tangkang sumuko na sa mga kastila, pati kanyang mga kawal.

Pagkabatid ng Pang-ulo ng Republika Pilipina sa naturang mga sumbong (???), ay dagling ipinadala sa Limbon ang mga Koronel Agapito Bonzon at Jose Pawa, kasama ang kani-kanilang mga tao ng taganas na barilan. Sa Limbon ay tinanong sila ni G. Bonifacio kung saan magsisiparoon at nagsisagot na lumabas lamang sila, upang makapagsiyasat; kaya nagsipagpatuloy ng lakad pagkatapus na sinusundan ng Koronel Julian Montalan; ngunit pagdating nila sa Banay-banay, Amadeo, ay nagsipihit din muli sa Indang. Kinabukasan ng umaga, ang mga kawal ni G. Andres Bonifacio na noo’y nakabantay sa daan ng nayong Limbon, ay nilusob na’t sukat ng pangkat ng nagsibalik doong mga Koronel Bonzon. at Pawa at agad nilang napatay ang matandang kapatid ng Supremo na si G. Ciriaco Bonifacio, at pagkatapus ay hinandulong na nila ng mga kasamang kawal ng namatay, hanggang sa mangahuli at maalisan silang labat ng sandata.

Pagkarinig sa putukan, si G. A. Bonifacio at isa pang kapatid niyang si G. Procopio, saka ang mga kasamang G. Alejandro Santiago, G. Francisco Carreon, G. Apolonio Samson, G. Antonino Guevara at iba pa, ay nagsidalo sa pook na pinangyayarihan ug gulo; ngunit babahagya pa silang nakalalapit, ay sinagupa na sila nina Bonzon at Pawa. Si Koronel Bonzon ang bumaril ng rebolber kay G. Andres Bonifacio na ipinagkasugat nito sa kaliwang bisig. Dumaluhong din noon si Koronel Pawa kay G Andres Bonifacio at ito’y sinaksak ng sundang sa gawing kanan ng leeg. Nang anyong bibigyan uli ng isa pang saksak si G. Bonifacio, ay siyang pagdaluhong kay Pawa ni G. Alejandro Santiago na nagsabing: “Ako ang patayin ninyo, huwag iyan!” Noon din ay inilagay si G. Andres Bonifacio sa isang duyan at dinalang bihag sa Indang, pati ng kapatid. na Procopio na nagagapus ng buong higpit; kasama ring bihag sina GG. Francisco Carreon, Arsenio Mauricio, isang,binatang nag-aaral pa na nagngangalang Leon Novenario, na naging Kapitan Ayudante’t Kalihim ni Vibora at iba pang di ko na mapagtatandaan ang mga panga-pangalan. Ang labat ng nabihag, matangi kay G. Andres Bonifacio at kapatid nitong G. Procopio, ay pinagpipiit sa bilangguang madilim at di binigyan ng pagkain, kundi makalawa lamang sa loob ng tatlong araw na ikinabilanggo nila. Ang Konsehong inilagay upang magsiyasat, tungkol sa mga pagkakasalang ibinubuhat kay G. Andres Bonifacio at sa kapatid nitong G. Procopio, ay humatol ng parusang kamatayan sa magkapatid.

b— Sa likod ng dalawang araw mula sa pangyayari sa Limbon kina GG. Bonifacio, ay sinalakay at nakuha ng mga kastila ang Naik, bagama’t gayon na lamang ang ginawang pagtatanggol ng mga naghihimagsik na nangapaurong sa Maragundong. Naagaw din ng mga kastila ang bayan ng Indang, na dahil sa kakulangan ng punlo ng mga naghihimagsik ay nagkaroon lamang ng sandaling labanan at ang ating mga kawal ay nagsilipat sa nayong Dainé, Indang, na ginawang bayan ng Himagsikan at nginalanang Labong, bilang parangal kay G. Mariano Trias Closas, na nagtaglay ng gayong pamagat sa panahon ng paghihimagsik. Buhat sa Labong ay inilipat uli ang himpilan ng himagsikan sa Kaytitingga, isang nayon ding ginawang bayan at pinamagatang Mainam, sa kapurihan naman ng Pang-ulo ng Sangguniang-Lalawigang Magdiwang, G. Mariano Alvarez na gumagamit ng gayong pamagat ó simboliko.

Maraming mga dating nayon lamang ng Kabite bago maghimagsik ang nagawang bayan dahil sa karamihan ng naninirahang tao, gaya na nga ng mga nasabi na. Kaya ang dating nayong kilala sa ngalang Buenavista ng San Francisco de Malabon, ay ginawang bayan at pinamagatang Katibayan, pagpaparangal bilang kay G. Diego Mojica, Kagawad-Kayamanan ng Magdiwang na siyang may gayong sagisag sa Katipunan; ang nayong Aliang ng Santa Cruz ay bininyagan namang Kampupot, na siyang pamagat sa Katipunan ni G. Ariston Villanueva, Kagawad-digma ng Magdiwang, at ang dating nayong Binakayan, Cavite el Viejo, ay pinanganlang Bakay.

c. — Nang nasa Maragundong na ang pamahalaan ng Republika Pilipina, si G. Feliciano Jocson ay dumating at mula sa liwasan ng kabayanan hanggang sa kombento, ay sumigaw ng buong lakas na:— “Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas!” At upang mapasigla ang loob ng tao, ay nagsabi, bukod sa iba’t iba pa, na sa madaling panaho’y darating ang mga armas na kanyang binili sa Hongkong, at sa pamamag-itan ng kaunti pang pagmamatigas sa labanan, ay matitiyak nang lubusan ang ating pagwawagi. Sa kahilingan ni G. Jocson ay tinulutan siya ni G Emilio Aguinaldo na magtatag ng isang pamahalaan sa gitna ng pulong Luson na pinamamagatang “Gobierno Departamental ng Pitong Lalawigan sa Gitna ng Luson”. Si G. Feliciano Jocson, kasama si G. Teodoro Gonzalez, ay natagpuan sila ni Vibora sa Mainam ó Kaytitingga, Alfonso, at sa panayam ni Vibora at ni Jocson ay naibadya nito ang bagay sa kapahintulutang magtatag ng Gobierno Departamental, at tuloy ipinakita kay Vibora ang isang larawang kahuwad ng watawat na tatlong kulay, isang araw at tatlong bituwin. Ang mga lalawigang binubuo ng nasabing pamahalaan ay itong mga sumusunod:

Tayabas, Laguna de Bay, Morong, Manila, Bulakan, Nueba Esiha at Bataan.

Ang Pamahalaang Departamental ay binuo rin ng mga tungkuling, gaya ng napagtibay na ng Republika Pilipina, at sa mga ginoong naghawak ng tungkulin sa loob ng pamahalaang iyon, ay napabilang itong mga sumusunod:

G. Anastacio Francisco, pangalawang Pang-ulo; G. Feliciano Jocson, Kagawad pangloob; G. Teodoro Gonzalez, G. Cipriano Pacheco, at G. Antonio Montenegro, na naging Punong-lalawigan (Gobernador) sa probinsia ng Maynila; G. Severino Taeño, Heneral rg Brigada. Isa sa mga pangkat ng Heneral na ito’y pinamahalaan ng isang babaing si Ginang Agueda Cahabagan, na siyang, sa buong paghihimagsik, ay nabansag sa pangalang kilalangkilala ng madla na:—”Henerala Agueda”, pagkapalibhasa’y tunay na nagtamo ng katibayang ito, na ipinagkaloob ng Heneral G. Miguel Malvar, Komandante Heneral ng hukbo ng pamahalaang panglalawigan ng Batangan (Gobierno Regional de Batangas).

Ang Tenyente Heneral G. Mamerto Natividad ay nahalal na siyang mamahala sa lahat ng mga kawal ng bagong pamahalaang itinatag, at sa gayo’y nagtaglay siya ng tungkuling pagka-Komandante Heneral ng Centro ng Luson. Sa ilalim ng kanyang pamamahala ay kasama ang mga Heneral ng hukbo at itong mga sumusunod:

G. Mariano Llanera, Tenyente Heneral, kasama ang kanyang anak na si G. Eduardo Llanera, Koronel.

G. Isidoro Torres, Tenyente Heneral, kasama ang kanyang matalik at matapang na kalalawigan na si G. Gregorio del Pilar, Koronel.

G. Manuel Tinio, G. Francisco Makabulos, G. Simeon Tecson, isang nagngangalang Cabling, at G. Tiburcio de Leon. taga Polo, Bulakan, mga Henerales ng Brigada.

Ang Pamahalaang Departamental, sa bisa ng Konstitusyong ginawa ni G. Isabelo Artacho, ay nalansag at pinawalang kabuluhan, noong mga huling araw ng Nobyembre 1897, at si G. Antonio Montenegro ay nanungkulan ng pagka-direktor ng Estado dahil sa pagkamatay ni G. Jacinto Lumbreras, at si G. Isabelo Artacho ay siya naman ang gumanap ng pagka-direktor ng interior bilang kapalit ni G. Pascual Alvarez, na naging Intendente Heneral ng hukbo ng Republika Pilipina.

d — Mga huling araw ng Abril 6 sa mga unang araw ng Mayo nang makuha ng mga kastila ang bayan ng Maragundong. Naganap sa liwasan ng bayan ang napakamarugong paghahamok, na kung di sanhi sa kakulangan ng punlong magagamit ng mga naghihimagsik na nagsisilaban sa patio ng simbahan, ay di sana napilitang humimpil ang pamahalaan ng Republika Pilipina sa mga kabundukan ng Maragundong at Look, Batangan at sa paanan ng bundok na Pinagbanderahan.

e — Nangahulog din sa kamay ng mga kastila, ilang araw lamang noon, ang, mga bayang Alfonso, Mendez Nuñez at Amadeo, dahil sa kawalan ng punlo ng mga naghihimagsik. Sa isang saglitang pagpapanagpo sa pook ng Parroso, sakop ng Amadeo, ay napatay ang Komandante ng kawal panghihimagsik na si G. Florencio de la Viña na nagpapamagat na Ensiong.

f — Pagkabaril sa magkapatid na G. Andres Bonifacio at G. Procopio Bonifacio.— Nang ang Republika Pilipina ay nahihimpil na sa mga bundok na lalong masukal at tago sa pag-itan ng Maragundong at Look, pook na pinamamagatang Buntis, si G. Emilio Aguinaldo ay nagpasya na ng pagpapabaril sa dalawang magkapatid na nasabi na, upang lubusan nang mawala, marahil, ang sa boong tapang at lagablab ng pag-ibig sa bayang tinubuan, ay tinatag niya ang K. K. K. ng mga A. N. -B. na siyang lumikha ng dakilang tungkuling sa gahasa’y inangkin niya (Aguinaldo). Inuna muna ang Procopio at pagkatapos ang Andres, na dahil sa kanyang mga sugat ay lupaypay na ang katawan, kaya’t dinalang nakaduyan sa pook na pinagbarilan, isang oras muna sa kanyang kapatid, ng mga Koronel ding Bonzon at Pawa (Koronel Lazaro Makapagal?), na gaya ng maalaala’y silang nagsilusob sa pangkat nina Bonifacio sa nayon ng Limbon, Indang. At sa ganitong paraan tinapus ang buhay niyaong bayaning humamak sa mga kapanganiban, at nagtatag ng K. K. K. ng mga Anak ng Bayan; niyaong taong nagturo sa bayang pilipino ng tunay na landas, upang maibulid ang panga-alipin ng mga dayuhan; niyong, kailan ma’t kausap ng kanyang mga kabig, ay lagi nang nilalabasan sa bibig ng mga ganitong pangungusap:

“Pagsikapan ninyong huwag makagawi ng mga pagkakasalang makadudungis sa inyong mnga pangalan”.

“Matakot kayo sa Kasaysayan (Historia), na siyang di mapagkakailaan ng inyong mga kagagawan”.

Ika-Limang Bahagi

Bumalik sa Unang Pahina

By: billymidol
Excerpts from the memoirs of Apolinario Mabini “Ang Himagsikan Ng Lahing Pilipino”.

Ika-Limang Bahagi

Bagay sa napakalungkot na pagkamatay ng Kataastaasang Pang-ulo ng Katipunan, si G. Apolinario Mabini, naging-unang Kasangguni ng Pang-ulong Heneral G. Emilio Aguinaldo, at kinikilala ng madlang “UTAK NG HIMAGSIKAN”, ay nagsalaysay, sa ika VIII Kabanata ng kanyang isinnlat na “ANG HIMAGSIKAN NG BAYANG PILIPINO”, ng mga sumusunod:

“Sa inasal na ito ni G. Emilio Aguinaldo, ang manunuligsang kasaysayan, ay di makakakita ng anomang katwirang sukat makapagtakip o makabawas man lamang sa kanyang sagutin. Si Andres Bonifacio ay di huli sa pinag-aralan sa sino man sa mga napahalal sa naturang pagpupulong, at tangi sa rito’y nagpakilala ng talino at lakas loob na di pangkaraniwan sa pagtatatag niya ng Katipunan. Ang lahat ng mga naghalal ay kaibigan ni G. Emilio Aguinaldo at ni G. Mariano Trias na noon ay nangagkakaisa, samantalang si Bonifacio ay tinitingnan nila ng may hinalang tingin, gayong nakapagpakilala na ng isang kaasalang malinis at pusong buo, at ito’y dahil lamang sa siya’y hindi tubo sa Kabite; ito ang sanhi ng kanyang pagdaramdam. Gayon pa man, ang pagdaramdam niya’y hindi ipinakita sa isang magahasang paraan ng pagsalungat, at ang katunayan, nang nakita niyang walang sinomang nagmamalasakit sa ikapagkakasundo ng lahat, ay nagkasya na lamang siya sa pag-alis sa lalawigan tungong San Mateo na kasama ang kanyang mga kapatid. Kung pag-iisiping si G. Aguinaldo ang una-unang dapat managot sa di niya pagsunod at sa di pagkilala sa naturang pinuno ng Katipunan na kanya ring kinaaniban; kung pagbubulay-bulayin ang pagkakasundo ng lahat ay siyang tanging angkop na lunas sa mapanganib na kalagayan noon ng Panghihimagsik, ang dahil at layon ng pagpatay, ay di maikakait na bunga ng mga damndaming nakasisirang totoo ng puri sa Panghihimagsik; sa paano’t paano man, ang gayong katanmpalasanan, ay siyang masasabing unang tagumpay ng kasakiman ng isang tao laban sa tunay na pag-ibig sa bayan.

Sa naturang “ANG HIMAGSIKAN NG BAYANG PILIPINO” ay matutunghayan din sa Kabanatang ika X, bagay din sa ginawi ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kay G. Andres Bonifacio at sa kay Heneral Antonio Luna, ang mga sumusunod:

“Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio ay nagpakilalang maliwanag na si G. Emilio Aguinaldo ay may isang walang habas na kasakiman sa kapangyarihan, at ang mga sariling kaaway ni Hen. Antonio Luna, sa pamamnagitan ng mga hibo, ay nakapagsamantala sa kahinaan niya (Aguinaldo), upang si Luna ay maipapatay. Kung kinatigan ng buong kaya ni Aguinaldo si Luna, sa halip na patayin, sabihing nagtagumpay sana ang Panghihimagsik, ay isa marahil na napakalabis na pangarap; ngunit hindi ako nag-aalinlangang ang mga ang mga Americano sana’y nagka-roon ng mataas na pahalaga sa tapang at kakayahan sa pagka-militar ng mga Pilipino. Kung buhay si Luna, ay tiyak na masasabi kong ang dagok na ibinigay ni Heneral Otis, ay nasugpo o kung di ma’y nailagan sana, at di napagkilalang maliwanag ang kawalang-kaya ni Aguinaldo sa pamamanihala ng hukbo. Tangi sa rito, upang mayalis si Luna, ay ginamit ni Aguinaldo ang mga kawal ding pinarusahan niyon, dahilan sa paglabag sa disiplina; pinatay nga ni Aguinaldo ang disiplina, at siya na rin ang lumansag sa kanyang sariling hukbo. Sa pagkahulog ni Luna na siyang lalong matibay na suhay, ay bumagsak ang paghihimagsik, at ang kalait-lait na pagkabagsak na buung-buong napapataw kay Aguinaldo, ay siya ring pumatay sa dangal nito, na makalilibong mapait kaysa pagkamatay ng katawan; si Aguinaldo nga’y siya ring sumira sa kanyang sarili, siya’y pinarusahan ng kanyang mga sariling kagagawan. Ganito kung magparusa si Bathala sa malalaking katampalasanan!

Sa buong sabi, ang Paghihimagsik ay nabigo pagkat nagkaroon ng masamang pamamatnugot; pagkat nakuha ng tagapamatnugot ang kanyang tungkulin, hindi sa pamamag-itan ng mga gawaing kapuri-puri, kungdi sa mga gawang kalait-lait; pagkat sa halip na tulungan niya ang.mga taong lalong may magagawa sa bayan, dahil lamang sa paninibugho, ay lalo pang sinugpo niya. Sa pagkalango sa kadakilaan ng sarili, ay di na pinahalagahan ang mga tao nang ayon sa kanilang kakayahan, katibayang-loob at pag-ibig sa bayan, kungdi sa kanilang pagka-kaibigan o pagka-kamag-anak na ikinalalapit sa kanya; at sa nasang mapasa piling niya ang mga kabig na handang magsusunod at magpakasakit ng alang-alang sa kanyang kapakanan, ay nagpakalulon na hanggang sa makagawa ng mga kabuktutan, Dahil sa ganitong paghamak niya sa bayan, siya’y iniwan ng bayan naman; at sapagkat siyay iniwan nito, wala na siyang hangganan kungdi ang pagkabulid na gaya ng nangyari sa isang pagkit na diyus-diyusan na nilusaw ng init ng kasawiang-palad. Harinawang tayo’y huwag makalimot sa kakila-kilabot na aral na iyang ating natutuhan sa likod ng mga di maulatang pagtitiis na yaon”.

Sa nasabing kasulatang naiwan ni G. Apolinario Mabini, sa kaniyang Kabanatang ika XI, ay mababatid ang mahahalagang pangaral niya kay Heneral Emilio Aguinaldo, dahil sa mga nagawa nitong mnga lihis sa kadalisayan ng puso, at itong mnga sumusunod:

“Mabalik ako kay G. Emilio Aguinaldo, kahimanawari ang aking mga palagay na walang anomang halong hinanakit, kundi tilang pagtupad lamang sa isang mabigat na tungkulin, ay huwag sanang makaragdag ng kapaitan sa kanyang puso, kungdi bagkus makapukaw sa kanya ng mapilit na pagnanasang matubos ang kanyang kahapon at mabawi ang dating pagmamahal ng madla, sa pamamag-itan ng mga gawang malinis at walang anomang pag-iimbot sa sarili. Nang ako’y bihag na sa Maynila, sa ilalim ng kapangyarihang amerikano, ay isang lathala ng pahayagang “The Manila Times” ang aking itinuwid mula sa isang pitak ng “El Comercio”, at doo’y pinagpumilitan kong maipahiwatig kay G. Emilio Aguinaldo na ang tanging ikaliligtas niya, ay ang mamatay na bayani sa gitna ng isang digmaan. Hindi natagalan at sa isa pang lathalang nahayag sa “La.Fraternidad” na naghalintulad sa kanya kay Mr. Kruger (raging Presidente ng rnga Boer, Sur Africa,), ay inulit ko ang pahiwatig nang lalong maliwanag at tahasan: Alam. kong ang mga lathalang yao’y hindi kalulugdan ng mga pinunong amerikano; ngunit ako’y may pananalig na kung mamatay si Aguinaldo sa isang ubus-kayang pagtatanggol sa mga kalayaan ng bayan, ang kabayanihang ito’y ikapapabalik niya sa pagkagiliw ng madla at mabibigyan pa rin niya ng kapurihan ang mga Pilipino. Ngunit ang aking mga payo ay hindi natapad, bagay na hindi ko dinaramdam, pagkat ibigin man ni G. Aguinaldong gumawa ng sang-ayon sa gayong nais, ay batid kong hindi sa lahat ng pagkakataon ay magawawa ng isang tao ang kanyang ninanasa. Maaari rin namang, ang kanyang mga kasalanan ay talaga nang napakabigat, na di tuloy niloob ni Bathalang siya’y maging marapat sa isang kadakilaang walang kamatayan; o baka nama’y sadyang iniaatas ng kanya ring sariling ikagagaling ang mapakinggan niya ang hatol ng kasaysayan, upang ang pagsisisi ay tumugtog sa mga bagting ng kanyang puso. Madalas sabihin ng nasirang Andres Bonifacio nang nabubuhay pa, na hindi tayo dapat matakot kanino man, kungdi sa kasaysayan; at totoo nga na ang kasaysayan ay lubhang makatwirang hindi napupuwing, at ang kanyang hatol ay kakila-kilabot laban sa mga umuupasala, sa kanya”.

Sa ano’t ano man, si G. Aguinaldo ay di dapat mawalan ng pag-asa, gaya ng aking kasasabi, sapagkat maaari pa siyang makapagbangong-puri sa kanyang pinagdaanan at mabawi ang pagmamahal ng lahat, sa pamamag-itan ng mga gawaing karapatdapat; bata pa naman siya at may angkin namang katusuhan, upang masamantala ang mga pagkakataon sa ikapagwawagi ng kanyang mga iniimbot; subalit ang mga hangarin niya’y nahihidwa palibhasa’y kulang siya ng talino at kagitingang kailangan sa mga gayong bagay. Sa ganang kay G. Aguinaldo ang kanyang bayan ay mapaglilingkuran lamang mula sa isang mataas na tungkulin, bagay, na isang kamalian at sukat ika-panganib ng kagalingan ng lahat; ang kamalyang ito’y siyang pinaka-malaking sanhi ng mga pagbabaka ng magkakabayan, na ikinalulugami at ikinalilipol ng maraming Estado at nakatulong ng malaki sa pagkabigo ng Paghihimagsik…….. Ang tanging nag-aangkin ng tunay na pag-ibig sa bayan, ay yaong mula sa tungkuling kanyang kinalalagyan, mataas man ito o mababa, ay nagpupumilit makagawa ng lalong malaking kagalingan sa mga kabatayan niya. Ang isang munting kabutihang magawa mula sa isang mababang katungkulan, ay isa nang kadakilaan at kapurihan; samantalang ang isang maliit na kabutihang ginawa mula sa isang mataas na katungkulan, ay nagpapakilala ng kapabayaan o ng pagkawalang-kaya. Ang tunay na karangalan ay lumilitaw sa isang bahagyang gawain lamang ng isang kaluluwang malinis at dakila, at hindi sa dingal ng mga papuri at palamuti na bahagya nang makapagtakip sa nga kapangitan ng ating katawan. Ang tunay na kapurihan ay natatamo sa paglilinang ng ating isip, upang matutuhang kilalanin ang katotohanan, at sa pagtuturo sa ating puso upang makaugalyang yao’y mahalin. Sa pagkakilala sa katutohanan ay atin din namang masasapit ang hangganan ng ating mga tungkulin at karapatan, at sa ating pagtupad ng tutohanan ay pararangalan ang anomang gawin natin sa buhay. Hindi dapat kalimutan kailan man ang kabuhayan ng ating bansa, at gayon din ang katutohanang hindi nakaakyat sa tugatog ng kadakilaan, kungdi magdaraan sa hagdan ng mabubuting gawa at kabayanihan; huwag nating lilimutin, lalung-lalo na, na kung di tayo magpapaunlad, ay mamatay tayong di man lamang aabot sa karampatang laki at gulang, bagay na sukat lamang makita sa mga bayan o lahing bansot at palipol”.

Si G. Apolinario Mabini, sa kanyang madagubdub na paf-ibig sa Bayan Pilipinas, at sa maningning na kabatiran niya, walang kaunti mang agam-agam ay nagbitla ng mga “HATOL NA IYAN”; at ako, na isa sa mga tunay na nakamasid sa mga masasaklap at nakapanglulumong pangyayaring dito’y, nayuyulat,-ay nagpapatibay at matunong na nagsasabing:- “TUMPAK NA TUMPAK SA TIKIS NA GINAWI NI HEN. AGUINALDO, ANG MGA NAPAKATITIGAS AT NAPAKATATALIM NA HATOL NA IYAN”; at ang mga pangaral niya kay Aguinaldo, ay karapat-dapat sa isang taong kusang lumihis sa kadalisayan ng puso at sa kalinisan ng katuwiran.

Karapat-dapat ding banggitin dito ang mga pangalan ng mga ilang nag-udyok pa kay G. Emilio Aguinaldo, upang patuluyan nang ipaganap nito ang pagpapatay sa dalawang Bonifacio, ay itong sumusunod:

G. Feliciano Jocson, G. Antonio Montenegro, G. Teodoro, Gonzales, G. Severino de las Alas, G. Baldomero Aguinaldo, G. Mariano Trias Closas at iba pang marami sa lalawigan ng Kabite, na nagsipagmithing kagiliwan sila ni G. Emilio Aguinaldo, na siyang, sa pamamag-itan ng mga tiktik, ay nakatuklas ng pagkakaisa (???) ni G. Andres Bonifacio at ng Heneral ng Brigadang G. Santos Nocon ng Magdiwang, upang biguin ang tangka ng mga taga Magdalo, laban sa Ktt. Pang-ulo ng Katipunan, na maliwanag na napagkilala, mula pa ng pagpasok ng Supremo sa lalawigang Kabite, at laluna noon gawin ang pagpupulong sa Teheros at sa kombento man naman ng Santa Cruz ng Malabon (Pangwagi). Sa lahat ng ito, at nang itatag ang pamahalaan ng Republika Pilipina sa Naik, si G. Emilio Aguinaldo ay tumanggi nang kilalanin ang tungkuling pagka-militar ni G. Santos Nocon, bagama’t ito’y may maniningning na paglilingkod, ni hindi nila binigyan ng ibang tungkulin, bagama’t may maningas na pag-ibig sa Bayan ang nasabing Nocon, na kagaya rin nila G. Santiago Alvarez, G Diego Mojica, G. Ariston V illanueva, G. Antonio Vtrata, G. Arcadio Arayata, G. Nicolas Portilla at iba’t iba pang, dahil sa kanilang katapatang-loob at maningas na pagkamakabayan, ay nagsipanatili rin sa mga gubat at kabundukan at nagsipagtiis ng mga kahirapan sa buong panahon paghihimagsik na sinasalaysay dito.

g. — Makaraan ang mga ilang araw pagkatapus ng pagkapapatay sa magkapatid na Bonifacio, — si G. Emilio Aguinaldo, na tinatalibaan ng mga Heneral G. Pio del Pilar at G. Mariano Noriel at sinusundan ng maraming tao, babai’t lalaki, ay umalis sa Buntis, tumigil ng ilang araw sa piling ng kanyang mga taong walang sandata, na sumusunod sa kanya mula sa Buntis, pagkat sa Tagaytay ay naiwan ang maraming mag-aanak na hindi na nakapagpatuloy ng paglalakbay, dahil sa gutom at mga sakit na ikinamatay tuloy ng di kakaunting tao sa pook ng Anuling, Mendez Nuñez. Nang nasa Talisay na ay tinipun ni G Emilio ang lahat ng mga taong-bayang walang sandata na kasama niyang dumating doon mula sa Buntis, at nang natitipun na ang lahat, ay nagsalita siya, sa tinig na malambot at magiliw, ng ganito:

“Mga giliw kong kababayan: — ganap nang napatibayan ang inyong taos na pag-ibig sa kalayaan, gayon din ang maalab ninyong pagsusumikap na tamuhin ang kalayaang iyan. Ang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas na ngayo’y pinangunguluhan ko, ay lubhang nasisiyahang-loob sa inyo at nakapagmamalaking mapasa inyong piling; ngunit palibhasa’y tumutunghay sa atin sa lahat ng dako ang gutom, na siyang lalong mabalasik nating kaaway, ay buong pagdaramdam na napilitang magsabi sa inyo ngayon, na ang bawat isa, ay makakauwi na sa kanyang sariling bahay, yamang ang pamahalaang kastila ay nagkakaloob ng kapatawaran sa lahat ng ibig pumailalim sa kanyang kapangyarihan at pagkukupkop. Huwag ninyong sabihing: — ang Republika’y itinataboy kayo sa kamatayan, hindi, hinding-hindi. Huwag kayong manganib pasaklaw sa kapakinabangan ng amnistia, at inyong isiping ang ating pamahalaan ay buhay at mabubuhay upang maghiganti sa mga umuupasala sa inyo, at ang bilin ko lamang ay huwag ninyong lilimutin ang mithing pinaghandugan ng buhay ng ating mga yumaon nang kapatid; at kayo’y magpakabait, katulad ng mga tupa sa harap ng mga halimaw.”

Pagkatapus ng talumpating ito ay humanda sa pag-alis na kasama ang buong hukbo at nagtungo sa Kabangaan, at buhat naman doo’y nagpatuloy ng paglakad kasama ng Heneral de Dibisyon, na si G. Vito Belarmino at ang hukbo nito, upang tumungo sa Malapad na Bato (San Pedro Makati, Maynila), at matapus tawirin ang ilog Pasig, ay nagpatuloy sa mga bundukin ng Montalban at San Mateo, at pagdating doon ay humantong sa bundok na kung tawagin ay Puray. Ilang araw pagkatapus ng pagkakadating sa pook na ito ni G. Emilio Aguinaldo, na inabot ng pagkakasakit sa paglalakbay pa, at pagkabalita ng mga kawal kastilang ang mga naghihimagsik ay nagkakatipun sa bundok ng Puray, ay sinalakay ang mga ito, upang mapasabog; pagtatangka itong naging pabaliktad, pagkat ang mga naghihimagsik ay nagsilaban ng buong higpit at katulad ng mga asong hinandulong ang mga kastila, kaya ang mga ito, matapus ang anim na oras na paglalaban, ay nagsiurong at tumakas na sabug-sabog; kaya’t nakapag-iwan ng maraming bangkay ng kanilang mga kasama at mga baril at punlo. Sa tagumpay na ito ay naging matunog sa lahat ng dako ang pangalan ni G. Glicerio Geronimo, na noon din ay napataas sa pagka-Tenyente Heneral ng hukbong pilipino.

Mula rito’y umalis si G. Emilio Aguinaldo, at matapus bagtasin ang mga tanggulang naghihimagsik sa Minuyan (Norsagaray) at sa Baras Bakal (Anggat), ay dumating sa Biyak-na-Bato (San Miguel de Mayumo) at dito na humimpil na patuluyan ang pamahalaan ng Republika Pilipina hanggang sa pagkatanggap ng kapayapaan na kilala sa tawag na “Paz de Biyak-na-Bato”.

By: raizyl
“History must be corrected and the negative facts should be included.” -Mr. Francisco Buenaobra

The purpose of not including the flaws of our heroes in elementary textbooks (high school textbooks) is because a child at an early age is very idealistic and has a “not-so-corrupted” mind. This help the teachers to instill to them virtues that they should learn in their age. Ideally, children learn through modeling and the goal of history teachers is to develop to the minds of their pupils a positive trait that, in fairness to our heroes, they also possess. As they grow however, a more critical character analysis of our heroes are needed. That is why we still have courses like Kasaysayan and Rizal and other heroes in College for us to know deeply who they are and eventually know their flaws and negative traits. It is really just like that, its not that we are being deprived of the truth, it just that there should be a “developmental-stage” that we have to follow. I hope I am still making sense. Thank you again.

By: raizyl
Actually I don’t really admire Aguinaldo. Great historians of today actually wrote about how Aguinaldo is as our hero: Nick Joaquin has a book, (but the title of the book unfortunately slips from my mind as I am typing this) that went through the life story and some issues about Aguinaldo and other heroes like Bonifacio, Rizal etc. Ambeth Ocampo also have stories to tell. He is one great historian of our generation (I think he is currently teaching in Ateneo). Although let’s not just blame Aguinaldo for what happened to Boni and Luna. If you read stories on the life of Antonio Luna (which is also there in the book of Joaquin), you will discover that it is actually his temper that triggered his death. Luna is a “hot-tempered-and-war-freak” hero that gave him his though image. Bonifacio on the other hand  can be blamed for Rizal’s death because he used his name as one of their secret codes. So every heroes I think definitely have their own flaws, and its good because that made us understand that they are just humans and not the “super-saint-like-heroes” we know.

P.S.

please read some of my works:www.shvoong.com/writers/iamtheartfuldodger

thank you

By: SELaplana
I think the people behind our government would not permit any historian to include the negative facts of our history.

By: Francisco G. Buenaobra
September 24, 2008

I heard these stories from my mother (she was born in 1907), but i never had any interest on it. According to my mother it was told by her mother and as my grandfather from Tayabas (now Quezon Province) was then a revolutionary member of the Katipunan under Andres Bonifacio.

Do we have historians that has the knowledge on the issue to rightfully reform the history. History must be corrected and the negative facts should be included.

By: Ronilo Acabo
Yes, I have read about this (on Andres Bonifacio’s “execution” – he and his brother). This account made me understand why Rizal’s death and so as all the other heroes’ are celebrated, except for Bonifacio’s, and, thanks to you, Gen. Antonio Luna is added to the short list.

This made me also understand the current and the future state of our nation. May I conclude that as how our “fake” republic came into being, so shall it continue until eternity. No one and nothing can change it. Any attempt can only upgrade or set the “Philippine Republic” to a more recent version of the Cawit proclaimed “Republika ng Pilipinas”.